<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d-4843737513057245678', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Oh, well.

Wednesday, August 30, 2006

OK... So, my Earth edition wasn't that nice. First the AJAX bar was really bad and does not consistenly loads up "closed" and my footer was terribly misaligned.

So here comes my twelveth skin, Erase and Rewind + Foliage. Hope u like it.


Midterm exam ko ngayon pero eto, sitting pretty parin. hehe. Saglit, parang ngayon ko lang na realize na pang babae lang pala ang sitting pretty. Anyways, kanina, kahit na midterm week na ay nag quiz parin kami sa Microprocessor na subject ko.

Madali lang naman ang quiz, gumawa ng circuit na binubuo ng 4k by 8 memory at idikit ito sa 8086 processor sa pamamagitan ng 3 line to eight decoder na may address na nagsisimula sa 68000H. Definition of sisiw.

Kaya ayun... mali yung sagot ko. hehe.

Tapos nagbigay ng bonus questions yung prof namin, para naman may makapasa (parang ang bobo namin masyado).

  • I stand before 50, nothing before 5. I reversed 3 and found you. What phrase am I?
  • What is the 4th dimension? (recap, 1st=lenght; 2nd=width; 3rd=height 4th=?)
  • Matter > molecules > atom > nucleus > ?????

Ayan, madali lang ang sagot jan. Sagutan nyo.

Natatamad nanaman ako mag type. Yung kwento nga pala ng aking kaibigan sa susunod ko nalang i-popost. May malaki syang rebelasyon!
► Read more!

Lintik Lang Ang Walang Ganti

Sunday, August 27, 2006

Hello po! Ang saya saya ko! Napalitan narin sa wakas ang pabalat ng aking talasulatan!

Ang pabalat na ito ay tinawag kong Earth Edition.

  1. Green Fields
  2. Emo
  3. Lonely Guy
  4. Bleeding Sun
  5. Blood (modified bleeding sun)
  6. Summer edition (modified bleeding sun)
  7. Original Lonely
  8. Icy Blue (modified lonely)
  9. citrus drop
  10. Tear
  11. Earth

Wow! ang dami ko na palang pabalat na nagamit. At wow! Mali pala yung nakalagay sa itaas na ika-siyam tong template na ito.

Kwentuhan ko kayo...

Noong isang araw, naglalakad ako at ang aking "kaibigan" sa may Roxas Blvd. OO, dinayo ko pa siya sa Maynila upang dinggin lamang ang kanyang mga "huhuhuhu" at "hehehehe."

Alas-otso ng gabi nang dumating ako sa ilalim ng ika pitong puno, sa kanan ng Aristocrat. Nandun sya... Nakakulay Violet na buhok, lipstick, makeup, "dress", sapatos at cellphone. Lahat violet... kulang na lamang ay maglabas ako ng kutsara at kainin sya dahil napagkamalan kong "ube."

Mayaman ang babaeng ito...

Niyaya nya ako umupo muna saglit sa kalapit na bench at kinamusta ang aking biyahe. Habang ako'y nagkwekwento, nahalata ko na halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa isang Grimace look-alike?!

Maya-maya pa ay niyaya niya ako kumain. Sumakay kami sa kanyang 2006 model ng RAV4 at tumulak sa pinakamalapit na fishball-an. Mayaman talaga sya dahil binili nya ang buong fishball stand at pati narin si Manong ay binili nya!

Matapos ng kanilang deal, ay umalis na si manong... kaya ayun. Kami pa ang nagluto ng fishballs namin...

Tinanong ko sya... "Friendshipness, what seems to be the problem?"

"Rob!," nagingiling ang luha niya sa kanyang mga mata. "Iniwan ako ni Joe!"

Si Joe ay isang Amerikano na tubong Teksas, USA. Napadpad si Joe sa Pilipinas dahil sa kanyang internet porn business na kamakailan lang ay ni-raid ng Quezon City Police.

"Ha?!," gulat kong sagot. "Bakit? Anong nangyari???"

"Hindi nya na daw ako mahal... simula noong nakilala nya daw ako nalugi daw ang kanyang internet porn business! yung mga underage nyang modelo na nirecruit ko mula sa Bacolod ay nakatakas at nagsumbong sa pulis. Buti na lang ay hindi nahuli si Joe! An tatanga kasi ng mga pulis! Hindi nila hinanap dun sa likod ng TV... eh dun sya nagtatago. Nakuryente pa nga sya."

"Ah ganon ba...," sagot ko, na wariy wala akong na-absorb. "Mayaman ka na naman... Nanjan parin naman yung pyramiding scam business mo. At kahit papano ay nakakalimutan na ng mga tao yung MGM scam mo... at heto pa, wala ka pa sa most wanted list ng Pilipinas! Friendship, look at the brighterside!"

Dahil sa paguusap namin ay hindi namin napansin na nasusunog na ang fishball na niluluto namin. Pati narin ang kwek-kwek at ang "best buy" na squidballs. Nawalan kami ng gana at iniwan na lamang ang fishball stand pero dinala ng aking friendship ang gasul na ginagamit... dahil naaalala nya raw ang kanyang kaibigan dito.

"Naaalala mo ang kaibigan mo kapag nakakakita ka ng gasul?" tanong ko.

"Oo," sagot niya. "Matangkad lang kasi siya ng konti sa gasul tsaka mahilig naman sya sa blue na make-up."

Matapos nito ay sumakay na ulit kami sa kanyang sasakyan na 2006 model ng RAV4.

{itutuloy}


► Read more!

Dream Interpreter

Wednesday, August 23, 2006

Nitong nakaraang araw, nanaginip ako... kung ano yung napanaginipan ko, ay wah nyo nang alamin. Pero hindi naman yun ang isyu. Ang isyu ay ang mga mensaheng nais ipahiwatig ng ating mga panaginip sa atin.

Tulad na lamang ni Jhed. Si Jhed ay isang ordinaryong tao, at bilang isang ordinaryong tao, siya ay nanaginip din. Dalawa sa kanyang panaginip ang ating bibigyang linaw.

UNA. Ang panaginip nya na namatay si Ginoong Bistokya. Ayon sa kanyang salaysay, namatay si ginoong Heneroso sa kanilang pamamahay. Bilang isang eksperto sa pagaanalisa ng mga panaginip, ang unang pumasok sa aking matalinong pag-iisip ay ang bagong pagsibol ng kanyanang iigurin.

Ang kamatayan kasi sa panaginip ay nangangahulugang pagbabago. At kung ang taong namatay ay naka suot ng puti ibig sabihin nito ay may sisibol na pag-ibig. Hindi ibig sabihin na kung sino ang namatay ay sya rin ang interes ng paksa.

Kaya nais kong itanong ito kay Jhed, bilang pag beripika sa aking interpretasyon sa iyong panaginip. Meron ka bang dinadala/inuuwi sa inyong bahay na sa tingin mo ay posibleng maging kayo? Kung meron man, please reply 'yes' and send to 2366.

PANGALAWA. Ang panaginip mo na nakita mo si Vinks na nagiiba ng layout. Ang panaginip na makakita ng isang tao na may binabago (sa sitwasyong ito ang layout ni Vinks) ay nangangahulugang meron kang itinatago sa mga tao.

Matapos nating analisahin at pagnilay nilayan ang mga wet dreams este ang mga panaginip ni Jhed, ay tumungo naman tayo sa mas adbans na pagsasanay.

Kapag nanaginip ka ng ikinakasal ka na kulay berde ang iyong trahe de boda, nangangahulugan itong bading ang mapapangasawa mo.

kapag nanaginip ka naman ay may ikinakasal na nakasuot ng berde, ang ibig ipahiwatig nito ay may gustong mamboso sayo na bading o tomboy.

Kung ang inyong panginip naman ay mga taong walang mukha, nangangahulugan ito na hindi ka pa nakakapaghilamos.

Kapag nanaginip naman kayo ng isang party o kasiyahan, ang ibig sabihin nito ay dadami ang nag kokomento sa blog mo. Pero kapag ang mga pagkain sa party o kasiyahan ay pancit o spaghetti, ang ibig sabihin naman nito ay mahilig ka talaga sa pancit at spaghetti.

Kung ang inyong panaginip naman ay isang bata... ang ibig sabihin naman nito ay mapapa-ihi ka sa bus/ mrt/ jeep/ lrt/ fx/ tricycle/ pedicab/ bike/ rollerskates/ saranggola/ eroplano/ habang naglalakad/ habang nanonood ng tv/o kaya nama'y habang nag babasa ng blog.

Mag ingat kayo na wag mapanaginipan ang isang babaeng sumasayaw. Dahil kung ito ang inyong mapanaginipan, ang ibig sabihin nito ay habang tulog kayo, may isang matandang babae ang nakaupo sa kama nyo at hawak ang inyong mga paa. Malamig ang kanyang mga kamay at nanlilisik ang mga mata. Halos nalulusaw na ang kanyang mga balat at ito ay nakatitig sa inyo habang kayo ay bising-bisi sa inyong panaginip na isang babaeng sumasayaw.

Sa bandang huli... kahit ano pa man ang ating mapanaginipan, ang ating free will parin ang masusunod.

"Hindi tayo dapat magpadikta sa mga stars, sun and moon. Sila'y mga gabay lamang... Meron tayong free will, gamitin natin ito."

- Zenaida Seva

Ito po ang inyong magaling na resident dream interpreter... nag sasabing "Ang ilog na tahimik, malalim. Ang ilog na maingay, may naglalaba."


► Read more!

Pipti at ang aking sun-sun (araw-araw) hehe...

Monday, August 21, 2006

I think I’m in love with someone whom I can’t mention here. But what I can tell you are some ways we can say “I Love You” to our special someone… the cheesy way!

  1. “If my heart were a baked potato, I’d serve it to you with extra butter and sour cream.”
  2. “Your terrible personality isn’t so terrible after a few drinks and even when I sober up, it’s not as terrible as everyone says.”
  3. “I’d shave my entire body with a dull, rusty razor blade and take a vinegar bath for you.”
  4. “I am rubber, you are glue, and any feelings you have for me bounce off and stick to you. Ironically, I feel the same way.”
  5. “The other day I saw this little girl drops her whole ice cream cone on the ground and start bawling. After I stopped laughing, I thought, “I’m the same way when you don’t call when you say you will.”
  6. “I saw you in the morning, on the toilet, and I didn’t run screaming. So there.”
  7. “Hug me. If you let go -- you lose.”
  8. “Umm… like… you and me? Yeah. You and me.”
  9. “You are to me what an eye patch and parrot is to a pirate.”
  10. “You are the hole in my donut.”
  11. “I am the pork, you are the beans.”
  12. “You make me want to vomit little chocolate hearts.”
  13. “You are my personal parachute.”
  14. “If you were a margarita, I’d drink you by the bucket.”
  15. “I really like, like, like, like, like, like, like, like, like, like, like you.”
  16. “If I had my junior high dance to do all over again, I’d lean against the far wall, stare at you, and hate myself for not asking you if you liked the punch.”
  17. “I don’t love you. I merely enjoy tolerating your existence immensely.”
  18. “I’ll still want to have sex with you even when you’re old, fat, and ugly.”
  19. “You had me at ‘Stop following me’.”
  20. “Your farts smell like vanilla.”
  21. “We’re a two person chain gang.”
  22. “I am valedictorian of the University of You.”
  23. “If you needed a kidney transplant, I’d also throw in a bonus lung.”
  24. “The wet, fatty ball of muscle and sinew that pumps my thick, steaming blood to all of my internal organs starts to beat irregularly when you come into my line of sight.”
  25. “You are to me what Oprah is to mediocre self-help gurus.”
  26. “While you’re in the shower, I collect your skin flakes from the sheets and now I carry them around in this little napkin I keep tied around my neck.”
  27. You suck! So good.”
  28. “If you were frozen in Carbonite and taken by bounty hunters, I’d gladly disguise myself, infiltrate a fortress of intergalactic gangsters, threaten them with a thermal detonator, and defrost you myself.”
  29. “When I was a kid I was kind of stupid and I thought it would be fun if I stuck a fork in the wall socket and obviously I was thrown across the room. Well, that shock that made my teeth chatter and my hair fall out? That’s like you.”
  30. “We are totally codependent and I don’t want it any other way.”
  31. “This is the “happily ever after” part of the damn fairy tale, dig?”
  32. “If you were a handful of genital crabs, I’d never change my underwear.”
  33. “I’m not saying we shouldn’t see other people. I’m just saying I’ll chase whoever you see out of town with a nail-studded baseball bat.”
  34. “I am your blank check. Don’t bounce me.”
  35. “Shut your piehole! Okay -- now kiss me with that beautiful piehole.” (piehole is a slang for mouth)
  36. “If you were in a horrible accident and they put your head in a saline solution-filled fish tank, I’d feed you, change your water, and carry you on my back everyday until they built you a kick-ass robot body.”
  37. “If given the choice between playing roundball like Michael Jordan and raising rugrats with you in a trailer park then I’d be the first to stand in line to buy diapers.”
  38. “You’re such a fucking asshole! And so am I. Let’s forgive each other, get drunk, and screw.”
  39. “If I was smart, I’d follow you around like a puppy and never, ever crap in the corner.”
  40. “Not only would I carry you out of the factory and drive away you away on my sweet chopper… I’d also buy you a beer and a basket of fries.”
  41. I wrote you a poem: “You walk in beauty like the night/ which means you’re the hottest babe in sight/Come home with me so I don’t get in a fight/I agree with what you said: you are always right.”
  42. “I’m a grown up and just face the facts that you’re my security blanket.”
  43. “You don’t know it, but right here, right now, is the point in the musical montage part of the movie. Let’s split a pretzel and go for a walk on the footbridge.”
  44. “Not only would I die for you, I’d bitch slap Satan a good one, too.”
  45. “Look: you’re the only one allowed in my bunker. So go get some batteries while I’ll clean my shotgun.”
  46. “I’m a junky for your instant messages.”
  47. “I had the weirdest dream last night: I was waking up just as dawn was breaking, but instead of the sun rising on the horizon, it was your glowing face. You were smiling and glowing and it felt too good. Isn’t that just strange? I have NO idea what that means. Pass the ketchup.”
  48. “You’re my best and only naked friend.”
  49. “If you we’re a cigarette, I’d smoke five packs of you everyday and welcome each and every eventual tumor.”
  50. “Let’s set aside cool, ironic detachment for just a moment, shall we? I love you. Wow… wasn’t that just like lame movie Reality Bites? You’ve never seen it? It’s awesome… in a totally stupid way.”

So there you have it. Hehe.

Anyways, I’d like to update you people with “What’s Hot” in my life extraordinaire. First, I’d like to thank those people at the comments page for sparing a few minutes off their internet hours and leaving me an advice on how to handle things. THANKS!

August 10, Thursday

We won the third place award out of 14 contestants. But we we’re expecting to be like the 1st or the 2nd… but hey! It aint that bad.

August 16, Wednesday

We went to our “source” to pick up the org t-shirts that we had “customized.” We also ate at a Chinese restaurant and found out that Rens haven’t been at the Mall of Asia. Hehe. After doing so, we went back to school and I attended some practices that I need to supervise.

August 17, Thursday

I went to school a little early (9:00am Yep, maaga na yan para sakin) to start the tshirt distribution which last till 2:00 pm. At this time, we went to the other campus to watch the Chorale festival in which FORCES (Federation of Organized Councils of Engineering Students) is a participant.

August 18, Friday

Because of the confidence I gained and the realization of how important trust/faith is… We won the 1st place award at the feats of St. Ezekiel folk dance competition. At first I was a little hesitant on what my ETC coordinator’s been doing but I trusted her and her team. If I could only record our winning moment, it would be like the most precious one. Imagine a large number of engineering students jumping out of joy for thrashing the computer studies department! Haha! Humanda sila sa cheering competition!

Friday afternoon was a blissful as it was the morning. I went back to the gym and watched a volleyball game. After that, we went at RNV (a sports center), to play badminton. Energirific, that day was! Imagine doing all these in a day. From a few kilometer walk then hard shouting under the scorching sun then an afternoon of badminton… wow… energy!

August 19, Saturday

My back started to ache as well as my shoulders and legs. I went to the mall to buy printer ink. Lovenat is starting to build-up on my system. By 7:00 pm, it was a full blown cold. *sob*

August 20, Sunday

My classmates/groupmates went to my place to work on our project. And up to now, Chapter II, still haven’t shown any sign(s) of improvement. Hehe.

August 21, Monday

Today… I am supposed to study SAD and ENECO for my exams tomorrow. But I am still having a nice time chatting with katamaran. Plus, I need to post something worth reading at my blog. So yeah… here it is. The worth reading post. Or so, that’s what I think.


► Read more!

For the past few days

Saturday, August 19, 2006

Nitong mga nakaraang araw, sobrang naging busy ako. At dahil doon, nagkasakit nanaman ako. At dahil din doon, tinamad nanaman akong mag post ng maayos na post.

Hay... pagpasensyahan nyo na ako...

Sana sa mga susunod na araw hindi na ako busy para naman makapagpost ako ng maayos na post.

Nanaginip nga pala ako... meron akong ikinama.

Kayo nanaginip narin ba kayo ng ganito?


► Read more!

Two Things I Almost Lost

Thursday, August 10, 2006

Faith
Isa sa mga bagay na pinanghahawakan ko, at ang tanging nagbibigay ng lakas ng loob sa aking sarili kapag naiisip ko ang mga responsibilidad ko bilang isang lider ay ang pananalig o “faith.” At ang faith na ito ay muling nadarang sa apoy noong Martes.

Noong mga panahong hindi ako pinagkakatiwalaan ng aking “org. adviser,” isama mo narin dyan ang ilang faculty members. Ibahin nila ako. Malaki ang tiwala ko sa aking “team” at para sa’kin isa ito sa aking “edge.”

Inaamin ko na ikinainis ko ang mala “pagwawalkout” na ginawa ng aking tagapayo, naiintindihan ko yon, maari kasing naisip nya na binabalewala ko ang kanyang opinion. Pero bilang presidente, ako ang tatanggap lahat ng sisi kung sakaling hindi maganda ang kalabasan ng isang proyekto. Ang gusto ko lang sana mangyari ay maging bukas kami sa isa’t-isa… dahil siya bilang isang inhinyero ay kinakailangang magpakita ng isang natatanging ugali para hangaan at ako bilang isang estudyante ay kinakailangang magpakita ng mga bagay na kahahangan din.

Sa puntong ito, nais kong pasalamatan ang aking mga kaibigan. Silang mga nagtiwala sa aking mga pasya. Silang mga nagtiwala sa aking pamamalakad.

Isang personal na mensahe para kay April, Leslie at Rejie ang tatlong babaeng nakinig sa “4th Paragraph” hindi nyo lang pinalakas ang loob ko… pinarealize nyo rin sakin na importante ako.

Momentum
Noong nagsimula ang akadmik year na ito, sobrang excited ako simulan lahat ng mga proyektong naka “line-up.” Pero dahil sa nagiba ang pamamalakad ng departamento, nawalan ako ng gana.  Hindi ko naman sinasabi na hindi ko gusto ang pamamalakad ng tumatayong punong-abala… Ang nais ko lamang iparating ay ang labis na pormalidad ng mga bagay. Na halos nagkakaroon na ng “gap” ang mga opiyal mismo at an gaming mga miyembro.

----

Nais kong batiin ang mga sumusunod kong kaibigan dito sa blogging world. Isa kayo sa dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa pagsusulat ng mga bagay na hindi kanais-nais… hehehe.

  • Unang una kay Rens, sa kanyang pakikinig at sa hindi mabilang na “eto” at “grrrr.”

  • Kay Jhed, sa pagpapa saya sakin kapag kausap ko siya kahit na madalas ako sabihan ng “sasampalin kita!” Hehe!

  • Kay Ron, sa pagtitiwala. Kahit na lagi ka naming pinagtritripan ni Rens… at lagi din natin pinagtritripan si Rens… at wag nyo ako balakin pag tripan ni rens! Lolz!

  • Sa mga patuloy na sumusuporta sa aking “blog,” at hindi nagsasawang mag commento sa aking mga pananaw. Pari narin ang mga lagi kong kausap sa YM at nakikipag kulitan.

Masakit parin ang ulo… Putang-inang hang-over yan. First time ko lang naka-experience ng hang-over… ang sakit ng ulo ko!
► Read more!

All Work And No Play Makes John A Dull Boy

Friday, August 04, 2006

Am not feeling well -- that is physically and mentally.

Why?

Physically
May sakit ako ngayon. Ubo’t Sipon. Isama mo pa dyan ang isa pa nilang ka-tropa na si Lagnat. Nagsimula silang makipaglaro sakin noong Martes ng umaga. Pag-gising ko palang naramdaman ko na, na hinihimas ako ng sakit. Masakit na yung lalamunan ko.

Pagdating ng hapon. Mas nararamdaman ko na ang “kati” sa aking lalamunan. Animo’y may mga anay na unti-unting nguma-ngatngat sa laman ng aking leeg. Nagsimula narin akong umubo.

Ang dami ko ring inaasikaso sa aking mahal na organisasyon. Sa mga hindi nakakalaam, ako po ang presidente ng mga estudyanteng inhinyero sa aking paaralan. Oo, nahihirapan ako sa totoo lang. Ang dami kong nilalakad, ang dami kong kinakausap, ang dami kong ginagawa. Pero sa lahat ng hirap na nararanasan ko ngayon, ay hindi ko pa nakikita ang anino ng pagsuko. Marahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nila ako binoto sa posisyon na ‘to. Hindi man ako matalino, hindi man ako ma-PR… meron naman akong dedikasyon sa aking trabaho at higit sa lahat hindi ako sumusuko. Sana lang kayanin ko pa ang mas marami pang hamon sa aking buhay – bilang isang estudyante, lider, kapatid at anak. At sana gumaling na ‘ko.

Mentally
Ang dami kong iniisip. Isama mo na jan ang mga bagsak ko ngayon prelim -- Cisco, Robotics Lec and Lab, I/O, at S.A.D. Kaya ayan… sad din ako. Masyado ko kasi yatang kinarir ang org. Kaya hindi ko na divide ang aking oras na tama. Hindi ko kasi matanggal sa aking isip yung mga problema sa org., yung mga dapat tapusin. Hindi ko kasi mapagpabukas ang ibang mga gawain. At meron din akong tendency na akuin lahat ng trabaho.

Iniisip ko yung pondo. Iniisip ko yung mga seminars. Iniisip ko yung mga bagay na kailagang maipanalo namin. Iniisip ko yung mga councils ko. Iniisip ko yung mga projects naming. Iniisip ko yung mga bagsak ko. Iniisip ko yung mga bagay na hindi ko naman dapat isipin pero iniisip ko parin kaso naisip ko na hindi ko naman dapat isipin kaya hindi ko na inisip. At paano ko naman naisip to kung hindi ko naisip yun? Kaya technically nagisip talaga ako. Hehe. Iniisip ko pa yan.

Nais ko sanang batiin ang mga sumusunod na bloggers: Andy, Brew, DJ, Jed, Angelo at Jami. Naway magkaron kayo ng isang malusog na pangangatawan at malayo sa sakit!





► Read more!