<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

McFloat

Sunday, February 12, 2006

"Yan nga si Diana pag hinarapan mo ng teddy bear, kakausapin nyan eh, sasabihin nyan, 'Bakit ka nakasimangot?'." [sabay tawa] Kahapon, nagpunta ako tsaka si Vho (president ng SAINTS) sa Kawit para kunin yung float na gagamitin sa Wednesday para sa foundation days ng SSCR. Ako kasi ang naka-assign para mag organize ng isang comittee na gagawa ng float. Ang dating mortal na magkaaway, aba all of a sudden magkasama na sa isang event. Ang tinutukoy ko ay ang JPCS. Nung isang araw nga nasa opisina/faculty room ako ng Computer Studies, nahalata ko na wala pala talagang sariling opisina ang JPCS, unlike sa FORCES na may sariling office, table, ballpen, books, phone. Although mas maraming trophees at medals ang nakadisplay, iba parin ang ang laking engineering. Anyways, back to the float. So yun nga hindi pa pala namin pwedeng kunin yung float kasi, hindi naman pala pa nakakausap ni Mam Tubay si Captain Napalan. Kaya nagpunta kami sa Baste para makausap si mam, ayun, it went smoothly naman, pinabigay sakin ni mam Tubay ang isang Ticket para sa Parokya ni Kiko, soooooo-hole daw. Tapos pinapunta ako sa Treasurer's office... can't give you details on this part. Grabe, umarkila kami ng sasakyan na hihila sa float. Ano ang sasakyan na yun? Isang Jeep na top-down, na ang gamit ay ang humakot ng mga bote (nice!). So from Cavite city hanggang Kawit ay nakasakay ako sa likod ng Jeep na pinagpala, babad sa araw at sa polusyon ng mahal kong Pilipinas (nice talaga!). So eto na ang eksena, hinihila na namin ang float, kasing haba syang ng isang container van at kasing taas ng well... container van. Pauga-uga ang float kahit na mabagal ang takbo ng saksakyan. Habang nagbibiyahe, napagusapan namin ni Vho ang tungkol sa mga plant visit. Mura lang pala ang plant visit nila 400 plus lang may kasama nng food. Samantalang samin is 600, tapos ang aga umuwi, tapos walang libreng pagkain. Sa Coca-cola daw sila pupunta, tsaka sa Enchanted Kingdom. Hindi ko lang masabi, na walang wenta ang plant visit sa Coke, papainumin lang kayo ng 8 oz. dyan. By this time nasa PN area na kami, liliko... liliko... liliko... [sound ng nabali] nasira ang float! So baba agad ako... kasi naalala ko, ako nga pala ang nakapirma sa kontrata. "Boss, pwede ba tanggalin na yung tali? Nahihila kasi tong kahoy baka lalong masira..." sabi ko. Hindi naman umimik yung driver, basta ginawa nya nalang. Pero may isa pang problema. Hindi kasya sa gate ang float at ginagawa ang main gate. [kamot sa ulo] Pumasok kami sa loob, at kinausap yung guard, pero teka lang daw, dahil inspeksyon ng mga naguuwian na construction workers. Nandun na yung ibang mga float pero disaster yung sa kanila... compare samin ang well ang GOOD! Naghintay kami saglit sa loob... Aba! may mga nago-ojt pala dito na mga civil engineering, nakita ko kasi si Mark. Astig pala ang mga CE... boss na boss ang dating pag nasa construction site tapos formal tingnan. Maya-maya pa ay naipasok na namin ang float, (pinilit namin tong ipasok sa main gate). Kinuha ko ang pitaka ko at kumuha ng P150 para sa karagdagang bayad, bukod pa sa pa-gasolina kanina. Haaaaaaay! Salamat! Isang oras din ang biyahe ng lintik na float na yan! Imagine ganon kabagal ang takbo ng sasakyan! Sa Monday... gagawa nanaman! Shit sana ma excuse kami sa klase! Hindi pa jan nagtatapos ang araw ko, nagpunta pa ako kina Haqui para gawin yung circuit ko. Pucha hindi rin gumana ng maayos! Pero ayos lang, nakakatawa si Juvy! LOL

posted by Admin, 2/12/2006 09:03:00 AM
posted by Doubting Thomas, 2/12/2006 09:03:00 AM | link | |