<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

2006 for Bloggers

Sunday, December 31, 2006

Itong taon na ay naging maganda para sa mga bloggers dahil 2005-2006 nag peak ang blogging dito sa Pilipinas. Salamat sa "bloghopping," at sa walang kamatayang pag aadbertays sa sarili.

Down to memory lane...

Ang sarap alalahanin ang nakaraan. Lalo na yung mga nakakatawang memories, yung mga kulitan yung mga kung ano-ano lang. Natatandaan ko May noon nung nagsimula akong maka meet ng iba pang mga bloggers through their blogs and at eventually sa YM.

Si Juice yata ang pinakauna kong blogger friend. According to my archive we chated May 3, 2006 and we talked about aviators! Haha! And she used to call me kuya coz I used to give her advices and I really love her blog that time (not that I dont love her blog anymore now).

Then there's Jhed. Si Jhed ang parang bestfriend ko sa lahat ng mga bloggers, I can tell my thoughts to him and him to me. Tsaka we share common interests. Ang hindi kolang ma remember is kung sino ang nag add sa YM. Ako ba o sya. Sabi ni Jhed sakin suplado daw ang dating ko noon. Suplado ba ako NOON? Ahuhu! Hindi naman ha.

Hindi ko rin malilimutan yung The da Vinci Code post ko. Masaya kasi yun eh. That time rin napadpad si Benj sa blog ko. Then days later Benj and I had an arguement sa blog nya. LOLZ. Kaya ayun. Ang weird nga eh, kasi nabalitaan din ng ibang bloggers. Mga chismoso tong mga to!

June 7 yata nung una kaming nagkachat ni Heneroso, dati sya ay mabait pa at pinupuri pa ang blog ko:

Rens Sese: ganda blog mu ah! Rob: wah! salamat ng marami!

Ahehehe. Pero mabait parin naman si Mr. Bistokya hanggang ngayon... *haba ilong*

Si Ron! si ron dati nahalata ko parang nahihiya sya kapag magka chat kami. Parang pakiramdaman lagi. (ayan totoo yata yung sinabi ni jhed na suplado ang dating ko) sa nagyon isa si Ron sa mga malalapit kong kaibigan sa blogging world.

Naalala ko si /brew pa nga pala! Yung baklang yun! hehehe. Namimiss ko na yung mga post nya! huhuhu! Yung invitation ko sa kanya sa YM hanggang ngayon pending parin! lolz Nu ba yan! June pa yata yun! Anyways, si Brew ang ultimate blogger whore! Walang panama si bryanboy!

Syempre, nandyan din si Bulitas. Kontrobersyal na screen name noh? Ewan ko ba kung bakit nagiba ng estilo ng pagsusulat si Bulits ngayon. Pero maganda parin naman... mas emo nga lang.

At si utakgago! Naku tong batang to! Matalinong bata! Efren bata! Bata bata paano ka ginawa? I love his post! at talagang hahanga ka kasi araw araw sya nag popost lalo na nung nasa blog*spot servers pa sya. Nakakatawa kasi si utakgago (a.k.a vinks) ang pinagtritripan dati NILA tuwing may confe.

At speaking of confe! Naku I remembered, yung mga late night confe namin nina Rens, Ron at ako... Rob. Puro R kami. Pwedeng 3R! wahahaha! Pota! Ah basta yungmga late night chats na yun ay isa sa mga masasayang memories kasi parang sharing yun eh. lolz. pero wala naman umiiyak. Pero merong NAGAGALIT! *double meaning successfully inserted!*

Teka, teka, wala na akong maisip na memories... haha! Ah ayun! Nung nagselos ako sa isang blogger! Wahahahahaha! Grabe! ok enough!

Uhhmmm ano pa ba. Shet parang nagiging anything goes na tong post na 'to!

Meron din palang mga naging "sila" na bloggers noh. Meron ding mga bloggers na nagaway. Wanna know kung sino?

May mga bloggers na tuluyang nag quit sa pag papalaganap ng sarili nilang salita. May mga bloggers na malalandi. May mga bloggers na mayayabang. May mga bloggers na weird. May mga bloggers na super emo, nakakabullshit na basahin yung blog nya. May mga bloggers na emo pero enlightening. may mga bloggers na emo pero nakakarelate ako. may mga blogger na nakakarelate ako sa post nila. May mga bloggers na sila ang nakakarelate sa post ko.

Ang saya ng 2006! Hindi ko ipagpapalit ang 2006 ko sa $1,000,000! Seryoso! Yung mga taong nakilala ko at naging ka-close ko sa biruan, kulitan, landian at kung ano-ano pa. hay naku kung alam nyo lang how much you've contributed to my life.

At isa pang dahilan kung bakit hindi ko ipagpapalit ang 2006 ay dahil kay ****. Basta nababasa mo 'to. Lam mo na ikaw 'to. At gusto kong malaman mo na my new year has never been this new... Thanks talaga ha! Love you sooo much!

Labels: , , , , , ,


► Read more!

Adios Quotebox

Friday, December 29, 2006

As you may have noticed, my quotebox's no longer functioning the way it supposed to. No more wise sayings from Dilbert, no more cute but deep thoughts from whoever he is.

I knew it!

Blogista no longer exists. This means there will be no more Komski quotebox, tag boxes and my blog would be the same old fart it used to be a year ago. (hehe)

Komski, if you are reading this, can you please get another host so that we may continue using your services and your God given talent in web programming would not gone to waste.

Its new year anyways...

Labels: , , ,


► Read more!

Rob, What had you been up to?

Thursday, December 21, 2006

Am I really supposed to answer this question? Or is it one of those trick questions from "Game na Game na!" that has virtually no answer?

Technically, I was überbusy with things that happens every once in while. Yah know. No, am not talking about the prelims! I am talking about the more special things... Things that are spent with special person(s).

Gawd... Just read on baby!

Boys night out Friday Night, December 15th

Hinithit ko ang huling usok ng Marlboro lights at tinapon ito sa daan (mga bata, wag tularan). Tang-ina late na ko. Binilsan ko ang aking paglakad sa kalye na kahit na hindi ko naman dinaraanan araw-araw ay saulado ko na kahit ang mga bako nito. Papunta ako kina B, para isang "piging," "salusalo" at konting inuman.

Pero pagdating ko dun ay paalis sila, nandun pala si Resty para sunduin kami papunta sa kanila, dahil nagkaron ng isang surprise party para sa kanyang ika dalawampu't-isang kaarawan. Anim kami medyo siksikan sa kotse.

On the way, papuntang Imus ang napagusapan ay mga bagay na hindi angkop banggitin dito sa blog kaya isipin nyo nalang hindi ko to sinabi ang tungkol dito at magiiba na ako ng topic.

So iba na ang topic... Medyo marami ding handa at dahil nga biglaan hindi na kami nakapag get-up ng angkop. Tulad na lamang ni B na nakashorts lamang (hehe).

Masarap yung siomai nila na malalaki talaga! Kumbaga sa mga bading... "kebla." Kebla yung siomai nila. Da best din yung putopao at yung iba pang handa... kaso hindi ko na masyadong natikman yung iba dahil na nga rin sa pagkalunod ko sa keblang siomai.

Parang hit and run ang nangyari, dahil pagkakain namin ay bumatsi na dahil nga meron din kaming inuman kina B. So pag kahatid samin ni Resty ay dumaretso na kami sa "altar" para sambahin si Generoso. Hahaha! In fairness, walang masamang tama ang "generous" drink na 'to. may tama sya pero tamang tama (right hit). tapos ang pulutan namin ay sisig na lumalangoy sa mantika at wari'y bumubulong ng "Fuck me! Fuck me! I'll kill you laterz!"

Kaya ayun kinabukasan may exam ako ng Cisco, medyo windang pa ang utak ko. haha. buti nalang tinulungan nila ako sa cabling. Kung hindi nakow! I am a dead meat!

Iya's sorority initiation Sunday, December 17th

Dang late nanaman! Kasi naman lunch ang call time... tapos kami ni Bing 4:00 na yata dumating. Kasi naman ang tanda na ni Bing ayaw parin pakawalan... kaya ayan nagwawala! (hihi)

Astig ng initiation ni Iya! ang daming tao... pati yung mga ka-brod nandun. Kaso nga alng hindi ako nakapunta, kasi naman....!!!

Kaya pagdating namin dun sa post party, ang nabutan nalang namin ay pancit! Huhuhu! Pancit nanaman! ang sabi ko pa naman kay bing tom jones na tom jones na ako at sobrang napapa-sex bomb na ako sa sobrang tomguts! Kala ko pagdating namin dun papainumin agad kami ni Joseph... hehe. Naalala ko. Noong 4th year H.S., minura ako ni Joseph sabay pakita ng dirty finger! tang-ina nya, buti nalang nasa scooter sya nun... at buti nalang talaga, si Joga ang GF nya dahil tropa ko si Joga, kakalimutan ko nalang yun.

Anyways, kumain ako ng pancit, ok din naman... pero ang gusto ko talaga ay yung may ulam may kanin may softdrink may dessert may agaw bitin... lol.

Tapos dumating na si Joyce... Si Joyce na heartbroken... Kawawa naman sya, kasi 1 year and 6 months na sila, tapos ganun lang sila maghihiwalay. Parang yung 18 moths na magkasama kayo, parang ang dali dali lang naiwan nun lalaki. Kaya ayun topic sila buong gabi. haha.

Kaya ako hindi ko gagawin sa baby ko yun. *wink* *wink*

Pagkatapos ng kaunting iyakan... Balik na ulit sa saya. TAMA NA YAN, INUMAN NA!

Konti nga lang kami eh, hindi kasi nakapunta yung iba, yung iba naman nasa America na, yung iba nasa London, yung iba nasa lamay (seryoso), yung iba nagiinarte. Pero ayus din, masaya ko dahil nakasama ko ulit yung mga tropa ko nung H.S. Konti na nga lang at mapapakanta na kami ng "We're soaring... flying..."

Buti nalang at best actor ako, pag-uwi ko ng bahay hindi nahala na makainom ako. LOL

Bday Galore Monday, December 18th

Happy Birthday nga pala ulet kay Rosebell! Ang sarap nung Sushi-wong nyo. Nakakainis talaga magbyahe papuntang Imus. Buset ang iistupid ng mga tao. Grrrr! Ang sikip sikip pa ng daan tapos lintik pa ang bumper to bumper na traffic. Grrrr! Tapos sa jeep ka nakasakay, yung nasa harapan nyo isang damonyong driver tapos bubugahan kayo ng maitim este ITIM na usok! Grrr! Tapos ang dami pang kalabit-penge. Ay naku, san ba nawalan ng kalabit penge sa Pilipinas???

Buti nalang talaga nabusog ako kina Bell, Pero 5:00 pm umalis narin ako dun, dahil nagpapasama pa ako sa Mama ko na bumili ng regalo para kay Rej, dahil christmas party ng mga kablocks ko.

Parteh! Tuesday, December 19th

9:00 ang call time sa Coco pavillion, pero alas-diyes na, halos kalahati palang ang dumarating. Taon taon may christmas party ang mga blockmates ko pero ito ang pinaka-malaki at pinaka magastos.

Nagsimula kasi yan noong 2nd year college kami, kaming mga Sawago® lang ang kasi noon. Hanggang last year, nagsali narin kami nang iba at itong taon nga na 'to ay buong block na.

Ang dami ngang food eh, bali ang toka-toka kasi ay batay sa groupings sa robotics tapos ang na toka samin ay drinks, cups, at mga chicherya. Tapos sa ibang groups naman ay mga ihaw-ihaw, boneless na bangus, pancit (pancit nanaman??!!)... yung mga tipikal na pagkain.

Syempre ang main event ng party ay ang exchange gifts. 'Tong taon na to, medyo hindi naging maganda yung outcome ng exchange gifts, yun ay opinyon ko lang naman... kung ikukumpera sya sa mga naunang exchange gifts namin, ito na yata ang worse.

Una dahil hindi kami kumpleto. Pangalawa, ang pangit ng lugar at ang daming naka-tingin. Pangatlo napuputol ang pagbibigay dahil nga hindi kami kumpleto.

Para sakin ang best gift ay ang natanggap ni Ven. Nike shoes. Huhuhu! sana ako nalang ang nabunot ni Haqs!

At ang worst gift... consistent. Yung galing kay IC. Kasi naman nauubos yung regalo nya. tandang tanda ko ang itsura ni Annalyn nung binuksan nya... almost the same expression when Leslie opened her's last year. Peace.

Tapos ng exchange gifts ay konting kasiyahan, swimming swimming, kain, inom. Tapos ako mga around 6:00 pm bumatsi na ko dahil may pupuntahan pa akong yet another inuman. Sayang nga dahil hanggang 9:00 pm lang din ako dito, hindi ko nakita si Rej, suot nya pa naman daw yung gift ko sa kanya.

Kung gusto nyo nga pala makita yung gift sakin ni Diana... eto sya.

"Tenac" Wednesday, December 20th

Nasa MOA ako, nanood kasi kami ng movie na Tenacious D ni Hwoarang este Andy Roddick, I mean Hedric.

Nakakatawa yung movie, "crazy" ika nga...

Tapos nun ikot-ikot, upo-upo, nag-abang ng mga maaabangan, wala na akong makwento. LOL.

Oh sya sige... sa susunod nalang. bye bye!

Mmmuah! Mmmuah!

Labels: , , , , , ,


► Read more!

Nanay tatay gusto ko tinapay, gusto ko kape, gusto ko n73, gusto ko kotse. Lahat ng gusto ko ay susundin nyo. Syang magkamali ay papaluin ko.

Tuesday, December 12, 2006

Yay! Only a week to go before the big day(s). Grrr! And heaven knows how broke I am these days. So I am now paging Jesus, please send me a check or cash.

Honestly, I am confused of whom I am to give gift next week. Parang naalala ko kasi si Beverly. Haha! Pero at the same time parang si Ronald ang naalala ko din. Bahala na... kung sino walang matanggap na regalo, that means sya ang nabunot ko. LOLz.

Nag exam kami kanina, 3 subjects, sunod-sunod. As in wala talagang break-break. Patay kung patay! Yung isa ko ngang classmate, duguan kanina kasi sa sobrang hirap nung exam. Nagulat nalang kami sumisigaw sya... "aray! aray! ang kamay ko dumudugo! Tinamaan pala sya "policies, rules and procedures." Tapos yung sumunod kong exam, mas grabe... Nakaka-awa yung isa kong classmate. Habang nag eexam kasi sya bigla nalang syang nangisay... tapos nung tiningnan ko yung papel nya. Wala pala kasi syang sagot kaya nagka bokyanism syndrome pala sya. Tang-ina, ang hirap talaga nung exam namin. Nakakaawa naman kaming mga estudyante... dadarating ang araw maeextinct ang mga estudyante at wala nang tuturuan ang mga teacher. Kaya ang gagawin nila, gagawa sila ng robotic student na makikinig sa mga turo ng teacher.

Tapos nun may exam nanaman kami. Pero sisiw lang yun. 15 mins lang namin sinagutan. Kinaya-kaya lang namin yung mga tanong. Napaiyak nga yung prof namin dahil akala nya nag wawalk-out kami sa class nya, pero ang totoo ay ipinapasa lang namin ang mga answer sheets namin. Grabe talaga. Hagulgol sya. Lupasay. Pero kami dedma lang kasi nga sisiw lang yung exam nya.

----

Kanina may pakulo nanaman yung mortal naming kalaban... yung JPCS. Ragnacake ragnake... ragnacake my face.

----

Kanina masakit daw yung buong katawan ni Mizzy T. Eto yung sabi nya oh...

Ang sakit ng buong katawan ko. Suso ko, mata, ulo... pati yung vaginal entry. Feeling ko narape ako ng 50 na machong lalaki.
- Mizzy T

At eto naman ang naging reply ni Ronron...

Pano mo naman nalaman ang feeling ng narape ng 50 na lalaki?
- Ronron

Hehe. La lang. Amp! May nareceive akong sms. Ngayon-ngayon lang... Bukas daw ang exam namin sa DB. Pakingsyet. Like, I need to make aral na leiturr, so am gonna make pasha of my clashes tomorrow.

Kaazar Raheronimo.

Kainez Venerassyonn.

Labels: , , , , ,


► Read more!

PVC Canons, Baste Manila and the bubble butts of the Cebuanos

Friday, December 08, 2006

It was in the year 2002 when the first PVC Canon appeared here in my hometown of Noveleta, Cavite. It wasn't popular back then, as far as i could remember, it was rarely seen on the streets and most of the users are kids.

Last year, the PVC canons were featured at ABS-CBN and GMA. Even at the television, the roaring sound of the 1 inch diameter by 1.5 feet long "mini canon" was very loud. Much more if it was the titanic 10 inch diameter by 6 feet long devil.

But really, I am not a fan of these "safe-non-hazardous-eco-friendly" pipes. They really make a loud sound and am not just talking about any other "loud" sound -- I mean LOUD SOUND!

I think I even developed a phobia out of it. Because everytime I see someone spraying denatured alcohol at his canon and started shaking it by holding its shaft, I start to cover my ears, I feel squeamish. It seems like the PVCs makes me insecure. Plus the fact that these PVC devils are devil enough to point the barrel at the buses passing by. I so hate them.

----

Last Wednesday and Thursday, we attended a two day seminar from IECEP (Institute of Electronics Engineers of the Philippines), the talk was about 3G Technology, VOIP (Voice Over Internet Protocol) Digital Television and other nose bleeding topics.

It was a little boring, but fun never left us. Oh sorry I forgot, WE are the FUN nga pala. Thank goodness. The day one was the busiest, because after "listening" from the speakers, at around 4pm, I went to San Sebastian College Manila, to attend the 3rd OAR Mission Congress and to watch "my kids" perform.

The people at SSC-R de Manila were nice (and cute). I was surprised to discover that they also have Twinbee at their cafeteria. The architecture is much more like the SSC-R de Cavite Canacao Campus but the aura is that of SSC-R Cavite College campus.

While there, we stayed at the PRO's office and chatted a little with the student assistant, whom i forgot to ask the name. In front of their office is their internet lab, which has "genius" mirror wall to keep the kids browsing porn. I envy them because they have the liberty to enter and exit the lab whenever they want to and they can use the PC however long they want. Unlike from Cavite campus' 1 hour limit per use. They can even use YouTube and Yahoo! Messenger. In Cavite, all these services we're banned.

----

Among the invited Recoletos institution (aside from SSC-R Cavite) are USJ-R Cebu which I am telling you are all goodlooking people and the Recoletos seminary from Baguio.

I remembered Danica gigling over the male USJ-R performers as they dance an Igorot ritual wearing T-backs and a piece of cloth covering their front and behind.

Ang ganda ng pwet!
-Danica

By 10 pm, we left Manila, even though the cultural presentations have not yet concluded.

Labels: , , , , , ,


► Read more!