<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Rob, What had you been up to?

Thursday, December 21, 2006

Am I really supposed to answer this question? Or is it one of those trick questions from "Game na Game na!" that has virtually no answer?

Technically, I was überbusy with things that happens every once in while. Yah know. No, am not talking about the prelims! I am talking about the more special things... Things that are spent with special person(s).

Gawd... Just read on baby!

Boys night out Friday Night, December 15th

Hinithit ko ang huling usok ng Marlboro lights at tinapon ito sa daan (mga bata, wag tularan). Tang-ina late na ko. Binilsan ko ang aking paglakad sa kalye na kahit na hindi ko naman dinaraanan araw-araw ay saulado ko na kahit ang mga bako nito. Papunta ako kina B, para isang "piging," "salusalo" at konting inuman.

Pero pagdating ko dun ay paalis sila, nandun pala si Resty para sunduin kami papunta sa kanila, dahil nagkaron ng isang surprise party para sa kanyang ika dalawampu't-isang kaarawan. Anim kami medyo siksikan sa kotse.

On the way, papuntang Imus ang napagusapan ay mga bagay na hindi angkop banggitin dito sa blog kaya isipin nyo nalang hindi ko to sinabi ang tungkol dito at magiiba na ako ng topic.

So iba na ang topic... Medyo marami ding handa at dahil nga biglaan hindi na kami nakapag get-up ng angkop. Tulad na lamang ni B na nakashorts lamang (hehe).

Masarap yung siomai nila na malalaki talaga! Kumbaga sa mga bading... "kebla." Kebla yung siomai nila. Da best din yung putopao at yung iba pang handa... kaso hindi ko na masyadong natikman yung iba dahil na nga rin sa pagkalunod ko sa keblang siomai.

Parang hit and run ang nangyari, dahil pagkakain namin ay bumatsi na dahil nga meron din kaming inuman kina B. So pag kahatid samin ni Resty ay dumaretso na kami sa "altar" para sambahin si Generoso. Hahaha! In fairness, walang masamang tama ang "generous" drink na 'to. may tama sya pero tamang tama (right hit). tapos ang pulutan namin ay sisig na lumalangoy sa mantika at wari'y bumubulong ng "Fuck me! Fuck me! I'll kill you laterz!"

Kaya ayun kinabukasan may exam ako ng Cisco, medyo windang pa ang utak ko. haha. buti nalang tinulungan nila ako sa cabling. Kung hindi nakow! I am a dead meat!

Iya's sorority initiation Sunday, December 17th

Dang late nanaman! Kasi naman lunch ang call time... tapos kami ni Bing 4:00 na yata dumating. Kasi naman ang tanda na ni Bing ayaw parin pakawalan... kaya ayan nagwawala! (hihi)

Astig ng initiation ni Iya! ang daming tao... pati yung mga ka-brod nandun. Kaso nga alng hindi ako nakapunta, kasi naman....!!!

Kaya pagdating namin dun sa post party, ang nabutan nalang namin ay pancit! Huhuhu! Pancit nanaman! ang sabi ko pa naman kay bing tom jones na tom jones na ako at sobrang napapa-sex bomb na ako sa sobrang tomguts! Kala ko pagdating namin dun papainumin agad kami ni Joseph... hehe. Naalala ko. Noong 4th year H.S., minura ako ni Joseph sabay pakita ng dirty finger! tang-ina nya, buti nalang nasa scooter sya nun... at buti nalang talaga, si Joga ang GF nya dahil tropa ko si Joga, kakalimutan ko nalang yun.

Anyways, kumain ako ng pancit, ok din naman... pero ang gusto ko talaga ay yung may ulam may kanin may softdrink may dessert may agaw bitin... lol.

Tapos dumating na si Joyce... Si Joyce na heartbroken... Kawawa naman sya, kasi 1 year and 6 months na sila, tapos ganun lang sila maghihiwalay. Parang yung 18 moths na magkasama kayo, parang ang dali dali lang naiwan nun lalaki. Kaya ayun topic sila buong gabi. haha.

Kaya ako hindi ko gagawin sa baby ko yun. *wink* *wink*

Pagkatapos ng kaunting iyakan... Balik na ulit sa saya. TAMA NA YAN, INUMAN NA!

Konti nga lang kami eh, hindi kasi nakapunta yung iba, yung iba naman nasa America na, yung iba nasa London, yung iba nasa lamay (seryoso), yung iba nagiinarte. Pero ayus din, masaya ko dahil nakasama ko ulit yung mga tropa ko nung H.S. Konti na nga lang at mapapakanta na kami ng "We're soaring... flying..."

Buti nalang at best actor ako, pag-uwi ko ng bahay hindi nahala na makainom ako. LOL

Bday Galore Monday, December 18th

Happy Birthday nga pala ulet kay Rosebell! Ang sarap nung Sushi-wong nyo. Nakakainis talaga magbyahe papuntang Imus. Buset ang iistupid ng mga tao. Grrrr! Ang sikip sikip pa ng daan tapos lintik pa ang bumper to bumper na traffic. Grrrr! Tapos sa jeep ka nakasakay, yung nasa harapan nyo isang damonyong driver tapos bubugahan kayo ng maitim este ITIM na usok! Grrr! Tapos ang dami pang kalabit-penge. Ay naku, san ba nawalan ng kalabit penge sa Pilipinas???

Buti nalang talaga nabusog ako kina Bell, Pero 5:00 pm umalis narin ako dun, dahil nagpapasama pa ako sa Mama ko na bumili ng regalo para kay Rej, dahil christmas party ng mga kablocks ko.

Parteh! Tuesday, December 19th

9:00 ang call time sa Coco pavillion, pero alas-diyes na, halos kalahati palang ang dumarating. Taon taon may christmas party ang mga blockmates ko pero ito ang pinaka-malaki at pinaka magastos.

Nagsimula kasi yan noong 2nd year college kami, kaming mga Sawago® lang ang kasi noon. Hanggang last year, nagsali narin kami nang iba at itong taon nga na 'to ay buong block na.

Ang dami ngang food eh, bali ang toka-toka kasi ay batay sa groupings sa robotics tapos ang na toka samin ay drinks, cups, at mga chicherya. Tapos sa ibang groups naman ay mga ihaw-ihaw, boneless na bangus, pancit (pancit nanaman??!!)... yung mga tipikal na pagkain.

Syempre ang main event ng party ay ang exchange gifts. 'Tong taon na to, medyo hindi naging maganda yung outcome ng exchange gifts, yun ay opinyon ko lang naman... kung ikukumpera sya sa mga naunang exchange gifts namin, ito na yata ang worse.

Una dahil hindi kami kumpleto. Pangalawa, ang pangit ng lugar at ang daming naka-tingin. Pangatlo napuputol ang pagbibigay dahil nga hindi kami kumpleto.

Para sakin ang best gift ay ang natanggap ni Ven. Nike shoes. Huhuhu! sana ako nalang ang nabunot ni Haqs!

At ang worst gift... consistent. Yung galing kay IC. Kasi naman nauubos yung regalo nya. tandang tanda ko ang itsura ni Annalyn nung binuksan nya... almost the same expression when Leslie opened her's last year. Peace.

Tapos ng exchange gifts ay konting kasiyahan, swimming swimming, kain, inom. Tapos ako mga around 6:00 pm bumatsi na ko dahil may pupuntahan pa akong yet another inuman. Sayang nga dahil hanggang 9:00 pm lang din ako dito, hindi ko nakita si Rej, suot nya pa naman daw yung gift ko sa kanya.

Kung gusto nyo nga pala makita yung gift sakin ni Diana... eto sya.

"Tenac" Wednesday, December 20th

Nasa MOA ako, nanood kasi kami ng movie na Tenacious D ni Hwoarang este Andy Roddick, I mean Hedric.

Nakakatawa yung movie, "crazy" ika nga...

Tapos nun ikot-ikot, upo-upo, nag-abang ng mga maaabangan, wala na akong makwento. LOL.

Oh sya sige... sa susunod nalang. bye bye!

Mmmuah! Mmmuah!

Labels: , , , , , ,


posted by Admin, 12/21/2006 10:53:00 AM
posted by Doubting Thomas, 12/21/2006 10:53:00 AM | link | |