<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Big Bro teaches little sis + Tech Junkie's confession + Rob's TYs

Sunday, April 30, 2006

Nasa Cafe ako ngayon, nawalan kasi ng dial-tone yung telepono namin... (opo dial-up ako). Nakakabuwisit tong cafe na napuntahan ko.

Noong nakaraang linggo, nanonood kaming magkapatid ng TV -- nasa MTV yung channel. Tapos biglang kinomercial yung Frenzy Condoms...
"Kuya para saan ba yang condom na yan?" tanong nya. "Basta sinusuot ng lalaki yan." sagot ko. "Saan sinusuot? "Basta malalaman mo rin..."

Nagsipag ako kanina. Naisipan ko kasing i-overhaul ang PC ko. Binaklas ko siya lahat, at feel na feel ko kanina ang pagiging "computer genius" ko. Nilinis ko narin ang mga alikabok na nakolekta mga ilang taon narin ang nakaraan. Pinunasan ko ang ilalim ng monitor pati ang ilalim ng keyboard. Yung sirang AVR nga ay nagawa ko rin. At dahil sinisipag narin lang ako, naisipan kong tungkabin ang bawat letra ng keyboard para linisin. Madali lang yun... hindi big deal. Ang big deal ay nang ibinalik ko na sya at nang mag type ako ay ayaw gumana ng ayos yung space bar at enter. Asar! Kailangan ko pa siyang pindutin sa mismong gitna at hindi lang basta pindot kundi PINDOT! Ampness! Minsan na nga lang ako sipagin minalas pa!

At dahil nag voluntary exit si Aldred kagabi, gusto kong kunin ang pagkakataong ito upang magpasalamat... (konek?!) Para sa mga ni-link ako sa blog nila: Salamat sa pagpapalaganap ng ng Burahin at Balikan! Mahal ko kayo! Para sa mga laging laman ng beach resort ko: Salamat din! Mag rent naman kayo ng jetski o banana ride man lang! At para sa mga hindi pa ako nili-link: Nananatiling bukas ang puso ko para sa mga bagong salta! :-) PS: Sana magawa na yung linya ng phone namin... Damn you PLDT!

► Read more!

Kim! Kim! Kim! Kim!

Thursday, April 27, 2006

First time ko lang magkakaroon ng favorite sa PBB... At yun ay si Kim! Kim! Kim! Kim! Kim! Mga HS pa kasi, kaya sobrang kaaarte! Naku they are getting to my nerves! Iyak ng iyak konting siklot lang. Yung mga babae definition of bitches talaga! (Pwera lang si Kim!) Kahit si Nina, kala ko she's matured... tapos tinanong lang yung isang HM kung sino gustong unang maevict ang sagot ay siya, aba umiyak naman! Kamusta naman yun?! Yung Mikki naman, iyak ng iyak tapos pag nakarinig ng opinyon ng iba magagalit! Dumb pa! Imagine sabi ba naman, kausapin daw nila yung Gerald, abot his sexuality, kesho, he so brave... choochoo! Yung Aldred naman, valedictorian pa man din tapos mahina naman ang loob. Si Bam, masyadong OA... At nahalata ko rin, na halos lahat sila ay umiiyak sa simpleng bagay. Pam pukaw loob ng mga audience? Nyek! Not working for me! Basta KIM!
► Read more!

The World Needs More Hershey's!

Monday, April 24, 2006

If there are times wherein you can't walk, then fly!
Hay salamat at malapit na kaming matapos sa OJT! Grabe... nakakasawa! (Sana wag tong mabasa ng boss ko.) Pero ok lang din... kasi kung iisipin, yung ibang nag OJT, CS ang course tapos taga photocopy lang ng mga documents. Meron ang training nya naging elevator operator lang sya... (joke!) At least ako kahit paulit-ulit at yun at yun lang ang ginagawa, related naman sa course ko na CoE. Yung isang classmate ko naaksidente pa sa pagpunta sa office nya. Yung isa naman chinichikahan pa ako na kesho si ganitong artista ay officemate nya... Bakit daw nag tratrabaho pa yun eh ang yaman naman. Dapat talaga sa Makati ako mag OOJT, dun kasi ako nirereffer nung friend ng kakilala ko, kung saan sya nag wowork bilang network administrator. Kaso sa kasamaang palad, I have to say 'no' sa offer nya dahil I have to attend pa my summer classes. Yeah... yeah... may summer classes ako. Leche kasi yang mga online exam sa Cisco na yan! Nung mga nakalipas na "mga" subjects na bumagsak ako, hindi naman ganon kasakit ang naramdaman ko... pero nung sa Cisco na... mangiyak-ngiyak talaga ako kina April. Ewan ko ba... baka kasi alam ko na deserving akong pumasa. Imagine sa 11 na quizzes namin, 2 lang bagsak ko, tapos halos lahat 90+ or 100. Ni hindi man lang na consider yung mga pag hihirap ko sa pag gawa ng mga e-labs. Naduduwal na nga ako pag nakakakita ako ng router(config)#. Sayang talaga! Edi sana Strenght of Materials nalang at Thermodynamics ang subject ko ngayon. Leche talaga! Pero look at the brighter side nalang... yan lagi ang nasa isip ko. "Look at the brighter side." At least ngayon master ko na ang router pati ang kaluluwa nito. Naging medyo close narin ako kay Mam Sheila. Speaking of Mam Sheila, sya ang magiging prof namin sa design project (yung mga "inventions" na kami ang mag iisip at gagawin namin... astig talaga ang subject na 'to tsaka ang robotics) at from what she told me, baka maging co-adviser ng org. kung saan ako ang presidente. Totoo nga yata ang advertisements ng Hershey's na "Hershey's happiness," kasi masaya na ako ngayon, habang kumakain ng Hershey's bar. Yum! Yum! Ahihihihihihi!!!
► Read more!

We Are All But Humans

Wednesday, April 19, 2006

T'was 11:30 A.M., My aunt was fixing my grampa for his NGT feeding. His eyes was closed, and his body relaxed. Until... He abruptly opened his eyes with his eyeballs rolling upward and took a deep irregular breath. At this moment my mom entered the room. "Carmen! Look at our father's eyes," My mom shouted, teriffied with the scene. "He can't seem to breathe! Call Leopoldo, quickly!" My grandfather rolled his eyes again upward making the feature filled with just white color. He gasp for air... Until... It was all over. He is at peace now.
► Read more!

My Inner Demon

Monday, April 17, 2006

Peter took Him aside and began to rebuse Him. "Never Lord!" he said. "This shall never happen!" Jesus turned and said to Peter, "Out of my sight, Satan! You are a stumbling blobk to me; you do not have in mind the things of God but the things of men."

Make that "Our Inner DEMONS."

Naniniwala ako na para malaman ang solusyon, kailangang malaman ang sanhi. At sa "muling pagkilala" sa aking sarili, narealize ko ang mga dapat baguhin. Nakilala ko rin ang 7 na salarin.

Demon of Greed: Admit it, kahit ikaw mismo ay nagiging greedy paminsan-minsan. Masarap kasi ang feeling kapag nasa 'yo ang lahat, kapag kinaiingitan ka.

"I am a rich man, I have a beautiful wife, a big house, a shiny car, a promising career and power, but non of which satisfies me."

Isa ring kadahilanan ng pagigigng swapang, dupang, buwaya o kahit ano pa mang itawag dyan ay ang ating unsatisfactory taste for the new and flashy.

Yung dahilan ko, simple lang: "Ako si Rob, lahat nakukuha ko."

Demon of Cheating and Unfairness: Inaamin ko, simula noong nag college ako ay nagmistulang isang bata na patuloy kong pinapalaki sa sarili ko ang demon na ito. Ang nakakatakot pa nyan, hindi ako nakokosensya sa mga pangongopya o/at pandaraya na ginawa/ginagawa ko.

Ayokong masanay na umasa sa leakage kapag may exam, dahil hindi naman ako natututo doon.

Ayoko rin naman magpuyat para sa exam. Mas kaya ko pang pagpuyatan ang pag-iinter kaysa sa pag susunog ng kilay. Kadalasan naman nagaaral ako pagdating ko sa school, pero kadalasan din nandadaya ako.

Demon of Doubt: Ang una kong pinangalan sa kanya ay "Demon of Paranoia and Lost of Self trust," kaso unfair para sa mga ibang demon, masyadong sosyal ang name nya.

Doubtful ako sa maraming bagay. Isa na dito ang kakayahan kong humawak ng isang malaking responsibilidad: ang pagiging president ng FORCES (organization ng mga engineering students).

Isang prof. ang lumapit sa'kin at nagsabing ako daw ang gusto nilang maging presidente ng FORCES, ngumiti lang ako.

Mga ilang araw pa ang lumipas, may isang prof. ulit ang kumausap sa'kin.

"Robby, bakit hindi tayo ang naging best org?" tanong nya.
Wala naman ako sa pusisyon para magpaliwanag, pero ginawa ko narin.
"Dapat maging hamon sa'yo yan." Dapat yung dalawa makuha natin."
"Suporta lang sir... kaya yan." sabi ko.
Kaya nga ba? Hindi pa man nagsisimula ng June, parang kinakabahan na ako.

Demon of Lame: No! No! Not this year! hindi pwedeng tamarin ako ngayong taong ito. Dahil una: graduating na 'ko; at pangalawa: hindi talaga pwede.

Sa lahat ng mga demon ko, Demon of lame na yata ang pinaka balasubas sa lahat. Siya ang sisira sa 'kin, o sa kahit sino pa mang dapuan ng katamaran.

Kalimitan nag-ooperate ang demon na 'to kasama si Demon of Cheating! At sa hula ko, meron ka ring ganitong demon sa sarili mo.

Demon of Conceitedness: Bukod sa mga firt impression na sinasabi nila sa'kin, medyo totoong suplado ako. hindi ko din alam kung bakit, pero ayoko lang talaga sa mga taong para sa'kin ay mababang uri.

"Low Life" ang tawag namin dyan nung HS kami. Marahil anti-social lang talaga ako.

Demon of Self Abuse: Well, bukod sa iniisip nyo... matatawag ding self abuse ang pag yoyosi, ang pag tratrabaho ng sobra sobra at yung mga imbalance na work load. I smoke. Pero hindi ko masasabing over load ako sa trabaho, dahil una hindi pa naman ako nagwowork.

Siguro self-abused ako in a way na too much time for play.

Demon of Lust: Baka nga meron lang talaga ako "Raging Hormones" (pero alam ko kapag June or July lang 'to eh.. [inside joke])

Meron akong 9 na porn CD, 2 mags at marami pa sa PC ko. Nag engage na rin ako sa... bibitinin ko ulit kayo. :)

May inner demon(s) din ba kayo?


► Read more!

Presenting: The Summer Edition

Saturday, April 15, 2006

Summer time is one of my favorite minus the extreme heat of the Philippine's sun. I would really like to go to Bora this summer, but my wallet wouldn't let me. Plus, am doing my training and summer classes at the same time so it would be a miracle if there would be time. And to keep my spirit high, I changed my blog design, not layout... just design. As you can see my header was badly photoshopped and so are the silver icons. I think my footer's the cheeziest of its kind. Haha! So, what do you think of my new design?
► Read more!

Foto

Tuesday, April 11, 2006

Ang sarap alalahanin ng nakaraan, lalo na kapag may magagandang larawan kang nakuha. "For Keeps" nga naman talaga ang mga memories, dahil ito ang mga nagturo sa'yo ng ibat-ibang mga bagay. Ito ang nag-molde sa'yo. Mga masasayang ala-ala na nakakulong sa kwadradong papel. Saksi sa tunay na nagyari. Isang taong nalang gragraduate na 'ko. Panigurado maghihiwalay na kami ng mga landas, ako man hindi ko pa alam kung ano mangyayari sakin matapos ang gabi kung saan itatapon ko sa hangin ang graduation cap, pero isa ang sigurado sa isip ko -- mamimiss ko ang college. Mamimiss ko ang mga overnight para lang mapagana ang mga prototype. Mamimiss ko ang inuman sa rooftop (syempre ang sayawan at sukahan). Ang mga pillow talk, debateng politikal, brain teasers ni Butch, at kulitan ng buong CoE.
"After all the hardships, we have still managed to smile..." Sana lagi... At wag sanang kumupas.

► Read more!

aim i wail

Friday, April 07, 2006

i-ro-ny (r-n, r-)n. pl. i-ro-nies

1.

a. The use of words to express something different from and often opposite to their literal meaning.
b. An expression or utterance marked by a deliberate contrast between apparent and intended meaning.
c. A literary style employing such contrasts for humorous or rhetorical effect. See Synonyms at wit.

IRONIC

An old man turned ninety-eight
He won the lottery and died the next day
It's a black fly in your Chardonnay
It's a death row pardon two minutes too late
And isn't it ironic...dontcha think

It's like rain on your wedding day
It's a free ride when you've already paid
It's the good advice that you just didn't take
Who would've thought...it figures

Mr. Play It Safe was afraid to fly
He packed his suitcase and kissed his kids goodbye
He waited his whole damn life to take that flight
And as the plane crashed down he thought
"Well isn't this nice..."
And isn't it ironic...dontcha think

It's like rain on your wedding day
It's a free ride when you've already paid
It's the good advice that you just didn't take
Who would've thought...it figures

Well life has a funny way of sneaking up on you
When you think everything's okay and everything's going right
And life has a funny way of helping you out when>br> You think everything's gone wrong and everything blows up
In your face

A traffic jam when you're already late
A no-smoking sign on your cigarette break
It's like ten thousand spoons when all you need is a knife
It's meeting the man of my dreams
And then meeting his beautiful wife
And isn't it ironic...dontcha think
A little too ironic...and yeah I really do think...

It's like rain on your wedding day
It's a free ride when you've already paid
It's the good advice that you just didn't take
Who would've thought...it figures

Life has a funny way of sneaking up on you
Life has a funny, funny way of helping you out
Helping you out


► Read more!

Ang Ulo ko at ang Windows XP

Thursday, April 06, 2006

Anong konek? Noong isang araw, naisipan ko nalang na i-update 'tong PC ko, dahil since service pack 2 ay hindi na sya nauupdate. Medyo nagdadalawang isip pa ako kung mag uupdate ako o hindi kasi dati nung dinownload ko yung SP2 ay hindi din sya nainstall, because fake daw yung windows ko. So anyways, medyo matagal yung download dahil ako ay biktima ng dial-up ( At opo ang 200 MB na service pack 2 ay dinownload ko lang sa aking good 'ol dial-up internet). Matapos ang matagal na paghihintay, sumakit pa nga ang ulo ko dahil ang init ng panahon non at ang electric fan ay nagiihip na ng mainit na hangin, ay natapos din ang download moment. Install. Ayos! Gumana! Syempre restart... Eto na. Pag log in ko, ayaw gumana ng anti-virus, ay gumana ng firewall, sobrang bumagal ang response time ng CPU at halos mag wala ako sa inis! Bullshit talaga ang Microsoft! Bullshit din tong PC ko! Tanging solusyon... System Restore. Hindi naman major operation... pero dagdag headache. Haaay! Ang teknolohiya nga naman... the more advancement you have the more headaches you will earn.
► Read more!