<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Big Bro teaches little sis + Tech Junkie's confession + Rob's TYs

Sunday, April 30, 2006

Nasa Cafe ako ngayon, nawalan kasi ng dial-tone yung telepono namin... (opo dial-up ako). Nakakabuwisit tong cafe na napuntahan ko.

Noong nakaraang linggo, nanonood kaming magkapatid ng TV -- nasa MTV yung channel. Tapos biglang kinomercial yung Frenzy Condoms...
"Kuya para saan ba yang condom na yan?" tanong nya. "Basta sinusuot ng lalaki yan." sagot ko. "Saan sinusuot? "Basta malalaman mo rin..."

Nagsipag ako kanina. Naisipan ko kasing i-overhaul ang PC ko. Binaklas ko siya lahat, at feel na feel ko kanina ang pagiging "computer genius" ko. Nilinis ko narin ang mga alikabok na nakolekta mga ilang taon narin ang nakaraan. Pinunasan ko ang ilalim ng monitor pati ang ilalim ng keyboard. Yung sirang AVR nga ay nagawa ko rin. At dahil sinisipag narin lang ako, naisipan kong tungkabin ang bawat letra ng keyboard para linisin. Madali lang yun... hindi big deal. Ang big deal ay nang ibinalik ko na sya at nang mag type ako ay ayaw gumana ng ayos yung space bar at enter. Asar! Kailangan ko pa siyang pindutin sa mismong gitna at hindi lang basta pindot kundi PINDOT! Ampness! Minsan na nga lang ako sipagin minalas pa!

At dahil nag voluntary exit si Aldred kagabi, gusto kong kunin ang pagkakataong ito upang magpasalamat... (konek?!) Para sa mga ni-link ako sa blog nila: Salamat sa pagpapalaganap ng ng Burahin at Balikan! Mahal ko kayo! Para sa mga laging laman ng beach resort ko: Salamat din! Mag rent naman kayo ng jetski o banana ride man lang! At para sa mga hindi pa ako nili-link: Nananatiling bukas ang puso ko para sa mga bagong salta! :-) PS: Sana magawa na yung linya ng phone namin... Damn you PLDT!

posted by Admin, 4/30/2006 04:17:00 PM
posted by Doubting Thomas, 4/30/2006 04:17:00 PM | link | |