<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

The World Needs More Hershey's!

Monday, April 24, 2006

If there are times wherein you can't walk, then fly!
Hay salamat at malapit na kaming matapos sa OJT! Grabe... nakakasawa! (Sana wag tong mabasa ng boss ko.) Pero ok lang din... kasi kung iisipin, yung ibang nag OJT, CS ang course tapos taga photocopy lang ng mga documents. Meron ang training nya naging elevator operator lang sya... (joke!) At least ako kahit paulit-ulit at yun at yun lang ang ginagawa, related naman sa course ko na CoE. Yung isang classmate ko naaksidente pa sa pagpunta sa office nya. Yung isa naman chinichikahan pa ako na kesho si ganitong artista ay officemate nya... Bakit daw nag tratrabaho pa yun eh ang yaman naman. Dapat talaga sa Makati ako mag OOJT, dun kasi ako nirereffer nung friend ng kakilala ko, kung saan sya nag wowork bilang network administrator. Kaso sa kasamaang palad, I have to say 'no' sa offer nya dahil I have to attend pa my summer classes. Yeah... yeah... may summer classes ako. Leche kasi yang mga online exam sa Cisco na yan! Nung mga nakalipas na "mga" subjects na bumagsak ako, hindi naman ganon kasakit ang naramdaman ko... pero nung sa Cisco na... mangiyak-ngiyak talaga ako kina April. Ewan ko ba... baka kasi alam ko na deserving akong pumasa. Imagine sa 11 na quizzes namin, 2 lang bagsak ko, tapos halos lahat 90+ or 100. Ni hindi man lang na consider yung mga pag hihirap ko sa pag gawa ng mga e-labs. Naduduwal na nga ako pag nakakakita ako ng router(config)#. Sayang talaga! Edi sana Strenght of Materials nalang at Thermodynamics ang subject ko ngayon. Leche talaga! Pero look at the brighter side nalang... yan lagi ang nasa isip ko. "Look at the brighter side." At least ngayon master ko na ang router pati ang kaluluwa nito. Naging medyo close narin ako kay Mam Sheila. Speaking of Mam Sheila, sya ang magiging prof namin sa design project (yung mga "inventions" na kami ang mag iisip at gagawin namin... astig talaga ang subject na 'to tsaka ang robotics) at from what she told me, baka maging co-adviser ng org. kung saan ako ang presidente. Totoo nga yata ang advertisements ng Hershey's na "Hershey's happiness," kasi masaya na ako ngayon, habang kumakain ng Hershey's bar. Yum! Yum! Ahihihihihihi!!!

posted by Admin, 4/24/2006 06:04:00 PM
posted by Doubting Thomas, 4/24/2006 06:04:00 PM | link | |