My Inner Demon
Monday, April 17, 2006
Peter took Him aside and began to rebuse Him. "Never Lord!" he said. "This shall never happen!"
Jesus turned and said to Peter, "Out of my sight, Satan! You are a stumbling blobk to me; you do not have in mind the things of God but the things of men."
Make that "Our Inner DEMONS."
Naniniwala ako na para malaman ang solusyon, kailangang malaman ang sanhi. At sa "muling pagkilala" sa aking sarili, narealize ko ang mga dapat baguhin. Nakilala ko rin ang 7 na salarin.
Demon of Greed: Admit it, kahit ikaw mismo ay nagiging greedy paminsan-minsan. Masarap kasi ang feeling kapag nasa 'yo ang lahat, kapag kinaiingitan ka.
"I am a rich man, I have a beautiful wife, a big house, a shiny car, a promising career and power, but non of which satisfies me."
Isa ring kadahilanan ng pagigigng swapang, dupang, buwaya o kahit ano pa mang itawag dyan ay ang ating unsatisfactory taste for the new and flashy.
Yung dahilan ko, simple lang: "Ako si Rob, lahat nakukuha ko."
Demon of Cheating and Unfairness: Inaamin ko, simula noong nag college ako ay nagmistulang isang bata na patuloy kong pinapalaki sa sarili ko ang demon na ito. Ang nakakatakot pa nyan, hindi ako nakokosensya sa mga pangongopya o/at pandaraya na ginawa/ginagawa ko.
Ayokong masanay na umasa sa leakage kapag may exam, dahil hindi naman ako natututo doon.
Ayoko rin naman magpuyat para sa exam. Mas kaya ko pang pagpuyatan ang pag-iinter kaysa sa pag susunog ng kilay. Kadalasan naman nagaaral ako pagdating ko sa school, pero kadalasan din nandadaya ako.
Demon of Doubt: Ang una kong pinangalan sa kanya ay "Demon of Paranoia and Lost of Self trust," kaso unfair para sa mga ibang demon, masyadong sosyal ang name nya.
Doubtful ako sa maraming bagay. Isa na dito ang kakayahan kong humawak ng isang malaking responsibilidad: ang pagiging president ng FORCES (organization ng mga engineering students).
Isang prof. ang lumapit sa'kin at nagsabing ako daw ang gusto nilang maging presidente ng FORCES, ngumiti lang ako.
Mga ilang araw pa ang lumipas, may isang prof. ulit ang kumausap sa'kin.
"Robby, bakit hindi tayo ang naging best org?" tanong nya.
Wala naman ako sa pusisyon para magpaliwanag, pero ginawa ko narin.
"Dapat maging hamon sa'yo yan." Dapat yung dalawa makuha natin."
"Suporta lang sir... kaya yan." sabi ko.
Kaya nga ba? Hindi pa man nagsisimula ng June, parang kinakabahan na ako.
Demon of Lame: No! No! Not this year! hindi pwedeng tamarin ako ngayong taong ito. Dahil una: graduating na 'ko; at pangalawa: hindi talaga pwede.
Sa lahat ng mga demon ko, Demon of lame na yata ang pinaka balasubas sa lahat. Siya ang sisira sa 'kin, o sa kahit sino pa mang dapuan ng katamaran.Kalimitan nag-ooperate ang demon na 'to kasama si Demon of Cheating! At sa hula ko, meron ka ring ganitong demon sa sarili mo.
Demon of Conceitedness: Bukod sa mga firt impression na sinasabi nila sa'kin, medyo totoong suplado ako. hindi ko din alam kung bakit, pero ayoko lang talaga sa mga taong para sa'kin ay mababang uri.
"Low Life" ang tawag namin dyan nung HS kami. Marahil anti-social lang talaga ako.
Demon of Self Abuse:
Well, bukod sa iniisip nyo... matatawag ding self abuse ang pag yoyosi, ang pag tratrabaho ng sobra sobra at yung mga imbalance na work load. I smoke. Pero hindi ko masasabing over load ako sa trabaho, dahil una hindi pa naman ako nagwowork.Siguro self-abused ako in a way na too much time for play.
Demon of Lust: Baka nga meron lang talaga ako "Raging Hormones" (pero alam ko kapag June or July lang 'to eh..
Meron akong 9 na porn CD, 2 mags at marami pa sa PC ko. Nag engage na rin ako sa... bibitinin ko ulit kayo. :)
May inner demon(s) din ba kayo?