<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Clouds in my Cofi

Saturday, May 27, 2006


"Kung maipipinta ko lang muli ang langit para sa'yo... spray paint na walang tatak ang gagamitin ko."


Wala lang. Ano ba magagawa mo kung spray paint ang gusto ko? O kahit na water color o kahit pa laway at dugo ko! Teka kadiri na...

Hindi naman talaga yan ang topic ko ngayon.

Gusto ko lang kayo bigyan ng update. Kung kayo ay vintage reader ng aking blog, malamang ay nabasa nyo yung post ko tungkol dun sa isa kong prof. Hindi ko kayo bibigyan ng clue kung ano ba yung tinutukoy ko... hehe.

Makinig. Diba nga nalaman nung mga graduates na kinalas yung prototype nila. Yung Biomatrix thumb scanner ay napabalitang binenta, at yung Autonomous something-something robot ay napabalitang wala sa pangangalaga ng eskwelahan.

Ang ipinuputok ng mga graduates ay ang unfairness na kanilang nararamdaman. Tama naman sila. Pinagkagastusan nila yun. Isang project ay nagkakahala ng humigit 40,000 pesos. At hindi lang naman isa ang prototype na ginawa/ginagawa kapag graduating kundi apat.

So, eto ngayon... Yung prof ay napabalitang mag sasampa ng libelo laban sa mga graduate. Hindi ba masyadong over reacting naman sya? I mean ang gustong mangyari lang naman nila ay mabawi ang Biomatrix thumb scanner, kung saan tinatanggi ng prof ko na nasa kanya. Pero yung Autonomous something something robot ay inamin nyang nasa kanya.

Nakakalungkot lang kasi kung sakaling totoo ang mga alegasyon, malamang ay magreresign na si Sir. At sa totoo lang medyo paborito ko sya. Mababawasan nanaman ang faculty ng Engineering. Kasi naman... kahit ako baka magreklamo din ako kung sakaling malalaman ko na ang design project na pinagkapuyatan ko ng isang taon (Yes... isang taon ginagawa ang design project), ay makakalas-kalas lang at hindi na makikita pa ng mga susunod na batch.


So, speaking of projects, meron kaming 4 major projects this year. Microprocessor, Robotics, Networks at ang higit at pinaka sukdulan sa lahat ang Design Project. Medyo kinakabahan na ako dahil wala pa rin akong/kaming idea na gagawin.

Yung isang classmate ko sabi nya gusto nya something na sex-oriented. Haha! As if naman na papayagan kami... at ano bang mga robot-robot jan na pang sex??? Well, pwera *kay* Sex Machine wala na akong maisip.

Yung mga Computer Engineering Dyan! Suggestion(s) naman!


Jhed: Next time ko nalang sasagutan ang iyong tag. Hehehe. Promise sasagutan ko yan.

Jed: Hindi ko parin nababasa ang fiction mo. Lolz!

PB: Hala! ayaw nang bumukas ng blog mo sa Firefox!

Ruth: Yung blog mo din!

TO ALL: Love U sooooo much!

So hanggang dito nalang muna... nahahalata ko habang tumatagal pa korni ng pa korni ang mga post ko...

Edit: Share ko lang tong mga pinagkaabalahan ko habang ako'y hindi nakapag online.


posted by Admin, 5/27/2006 06:37:00 PM
posted by Doubting Thomas, 5/27/2006 06:37:00 PM | link | |