<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Goodmorning America ay, Pilipinas pala

Thursday, May 11, 2006

Magandang Umaga/ Tangahali/ Hapon/ Gabi/ Madaling-araw sa inyong lahat!

Wala akong magawa eh, dapat hidi ako magpopost ngayon kasi kapopost ko lang nung isang araw. Eh sobrang bored ako. Ang klase ko mamaya pang 1 PM, naku naalala ko nanaman tuloy yung sibject ko na yun! Ayoko nang maalala yung subject na yun kasi sobrang hindi ko sya gusto at wala akong balak magkaroon ng mataas na grade dun, although syempre kailangan kong pumasa don dahil 2 terms nalang at it's Ho Ho Ho for me! Goodbye college and "Hello World!" na! (Wow parang example sa programming).

Bago ko buksan 'tong PC nagbabasa ako kanina ng libro, Blindsight ni Robin Cook. Fan nya ako, marami narin akong mga libro nya. At yang ngang latest na binabasa ko ay kabibili ko lang noong isang araw sa halang P29.00! Waah! Ang mura noh?! Mas mahal pa yata ang mga songhits... (meron pa ba nun?!) Mahilig kasi ako sa mga medical thrillers tsaka influenza este impluwensya narin ng mga friends ko. Hehe... parang masyado tuloy mga bookworm ang dating namin (ko).

Pagbasahin nyo na ako ng makakapal na libro na interesado ako wag lang libro tungkol sa Calculus, Differential Equation o Advance Math -- kahit na isang page lang yan o kahit pa babayaran ako ng 100 pesos per page! (Teka... mapaguusapan pala natin yan..) Nung 2nd year college ako bumili ako ng libro na may title na Calculus with Analytic Geometry, pagkabili ko non, hindi ko na sya nabuklat kahit kailan pa man. Forever and ever... At kahit ngayon nasa bookshelf ko sya, wala parin akong buksan yon at sa tingin palang ay parang tumataas na ang dugo ko.

Sabi dun sa libro ni Bob Ong na Stainless Longganisa, hindi daw libro ang pagmamayari mo kapag hindi mo ito binabasa kundi mga papel at tinta. Well at least may papel at tinta ako... hindi ako nalugi!


May bagong album na nga pala ang

Hoobastank. Kaso medyo nanghihinayang ako kasi wala na si Markku yung bassist nila. Hindi ko alam ang dahilan, basta last time na nagkausap kami ni Doug yung vocalist, may bagong band na daw yun at pinalitan narin nila ng bago. Hindi ko lang matandaan yung pangalan -- Josh yata or something. Sana naman maganda yung album nila tulad ng dati. At sana naman wag nang burahin ang mukha nila sa phamplets! "Every Man for Himself" astig!

Naalala ko tuloy nung nanood ako ng concert nila sa Folk Arts. Yung "The Reason Tour." Medyo biglaan yon kasi sorpresa sakin yun ng isa kong friend. Binigayan nya ako ng dalawang ticket. Eh hindi naman sya pinayagan sumama, kaya si Cha nalang yung sinama ko. Haha! Naalala ko sobrang panatiko talaga ako ng Hoobastank na kahit yung skin ng WinAmp ko ay Hoobastank, yung wallpaper ko ay Hoobastank at what else??? Yun lang pala. Hehe...


Haaay... sobrang enjoy ko talaga ang pag bloblog na walang sinusunod na topic... yung tipong random thoughts talaga. May Ph.D. yata ako sa pagiging random. Kung makakachat nyo ko sa YM masasabi nyo na random talaga ako.

Speaking of YM. Nitong mga nakaraang araw ay nadadalas ang pagchachat ako sa mga ka-blog. Nagsimula yan nung nilagay ko yung YM Web Presence. Nung una nilagay ko lang yan para pampadami ng mga makukulay na bagay sa page ko... nagiging dilaw yan diba kapag online ako. Hehe. So yun. Sino ba una kong nakachat nun? Its either Arvin or Gari. Tapos nagsimula nang dumami, lalo na nung naglagay ako ng riddle na akala ko ay masosolve nyo. NagP-PM sila para magtanong clue at sa huli ay magkakakwentuhan tungkol sa buhay, sa pagaaral, sa template ng blog, sa kung ano mas maganda Tabulas ba o Blogspot? (Ano sa tingin nyo?), Napagusapan din namin ang mga iskul bukol kinf of things, pati narin ang mga namatay na pusa.

Ang saya! Diba? Diba?

Sa sobrang saya ko, gusto nanaman kitang i-kiss!

MMMMUUAAHHH! Ahihihi... Kasama talaga yan sa kalakaran. *wink*


posted by Admin, 5/11/2006 10:04:00 AM
posted by Doubting Thomas, 5/11/2006 10:04:00 AM | link | |