<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Common Cents

Sunday, March 26, 2006

Hindi ako umattend ng seminar ko kaninang hapon, dahil (medyo) pagod ako. Nag-karoon kasi ng closing party ang CGAtES. Enjoy din naman (kahit papano), ang nangyari kagabi, kahit na 10 lang ang nag-punta. Mga bandang alas-tres (ng hapon), tinamad ako sa bahay kaya naisip ko lumarga nalang at bumili ng (inaasam kong) libro. Pag-dating ko sa bookstore hindi agad ako dumaretso sa shelf kung saan nakalagay ang libro na pakay ko. Binisita ko muna si C.S. Lewis. Haay salamat at lumabas narin ang Chronicles of Narnia: The Lion, the Witch and the Wardrobe. Pero mukhang hanggang tingin nalang ako (ngayon pa at maraming gastos). P800 mahigit ang presyo. Matapos ang pagiikot (ng ilang minuto) ko sa Fiction, TV-Movie tie-in, Classic at Self Help, tumungo na ako sa Filipiniana. Malayo palang ako nakikita ko na ang cover ng libro. Puti. May mga ballpen (pen sa mga kano). "Stainless Longganisa" (Longganisang hindi kinakalawang) ni Bob Ong. Pag dating ko sa bahay, binasa ko agad 'to habang kumakana ng #6 ng McDonald's at McFlurry. Page 34.
"Parenthical remarks (however relevant) are uncessary."
Pamilyar 'to ha. Tama nga... may ganitong estilo din sa post ni Leslie.

posted by Admin, 3/26/2006 07:21:00 PM
posted by Doubting Thomas, 3/26/2006 07:21:00 PM | link | |