Today I...
Thursday, May 04, 2006
Gumising ako ng maaga, balak ko kasi 8:00 am nasa school na ko for my online exam marathon. Ang kinain kong breakfast ay yung mga tira kahapon. Fiesta kasi dito kahapon so may konting handa.
Exactly Eight ~Alas Otso, nasa bahay parin ako at katatapos ko lang maligo at magbihis. Natagalan pa ako sa pagpili ng damit na susuotin ko. Yun bang blue na fit sa katawan ko kahit na hindi naman ako macho, o yung pink na may mga maliliit na letra sa unahan?
Half hour after Eight ~Pasok sa Comlab... deposit ang gamit... upo sa harap ng computer... buklat ng leakage... Simula na ng online exam marathon. Limang quizzes sunod-sunod.
Half hour after Eleven ~Tapos na! Bagsak ako dun sa dalawa -- 77 tsaka 75, 80 kasi ang passing. Tapos nalaman ko narin ang equivalent ng 40% ng total grades ko. 34% ako. Not bad.
Quarter to Twelve ~Nakasalubong ko si Gretz na papasok ng campus, palabas naman ako... magyoyosi sana kaso tinamad ako ang init kasi ng panahon. Kaya sumunod nalang ako sa kanya sa lobby.
Twelve Thirty ~Nagkakwentuhan kami nina April, Diana, at Gretz tungkol sa mga pulot-pulot. Nakwento ko sa kanila yung experience ng mga pinsan ko sa isang bus:
"Apat silang sumakay dun sa malapit kina Miah, tapos hindi sila nagtabi tabi sa upuan, aba akalain mo nga naman at sa bawat inupuan nila ay may nakabilot ng 100, 300, 500, at 1000. Tanginang swerte yan! "One ~Sharing naman ito ni April:
"Bali dalawa nalang kami nung lalaki sa jeep tapos bumaba sya sa may terminal, pagbaba nya naiwan yung purse. Hindi agad ako nakareact. Noong una ayoko kunin kasi baka makita ako nung driver sabihin sakin 'Hoy! bakit hindi mo sinoli yan?!' pero kinuha ko narin. Pagbukas ko may lamang 600 pesos..."
Pumasok na ko sa next subject ko... ang subject ko na hindi naman related sa course ko! Tuwing ala-una ng hapon humihiling nalang kami lagi ng mga classmate ko na 'Sana wala si sir.' Pero dahil ang swerte namin ay napunta na sa mga napulot... laging present sya. Nakakatamad ang CE322!
Three ~Pinasa ko yng seatwork ko na walang kasagot sagot. Ang gulo ba naman kasi. Hindi maintindihan kung may stress ba kapag nakasagi yung slab o wala. I hate CE322!
Three-Ten ~Nag pa foto copy ako ng reviewer. At umuwi ng bahay.
Three-Thirty ~Nasa bahay nako. Iniinit ko yung ulam (pangalan ng banda kung saan member ang pinagkuhanan ng pangalan ko) at kanin at nagpakabusog... pinawi ang uhaw sa natitirang Spriteā¢ sa ref.
Four ~Nanood ng The Human Edge.
Half hour before Six ~Nag online.
Six Fifteen ~Nag Post ng entry na may titulong 'Today I..."