<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Kaluskos

Tuesday, July 11, 2006

I somehow felt weird today.

False Alarm
I went to school ng maaga to check out what’s happening sa bulletin board na pinapagawa ko sa mga 3rd yrs. Hindi ko nagustuhan ang kinalabasan. That’s not what I had in mind when I gave my design.

Anyways, I went up to the library para mag-aral sa I/O, may exam kasi kami dito mamayang 1:00 pm. Nung papasok ako may tumwag sakin, yun palang co-officer ko last year na graduate na. So I asked her kung anong elemento ng kalikasan ang tumawag sa kanya at napabalik ang kanyang kaluluwa sa San Sebastian. May kukunin daw sya… Mga labada. Joke!

So nung pagpasok ko, tinignan ko agad yung spot na paborito ko kung saan matindi ang aircon.
Sinimulan kong basahin ang mga lecture ko… Napansin kong Martian pala ang mga nakasulat doon. Dahil wala akong maintindihan at  medyo walang pumapasok sa aking paguutak. I had my nicotine intake naman… Maybe because I wasn’t in the mood of studying lang talaga.

So, nagpasya akong lumabas nalang ulit, at puntahan ang aking mga mabubuting kaklase. Ayos, nakita ko agad si Ben. At ito ang kanyang pag-bati.

Kaibigang Ben: “Rob! May assignment ka na sa Microprocessor?”
Rob: “Ha?”
Kaibigang Ben: “Yung 48-pins ng [insert Martian language here]
Rob: “Ha?”
Kaibigang Ben: “[insert more Martian language here]”
Rob: “Walang nagsabi sakin… Hindi ako pumasok last Friday, tinamad kasi ako… may assignment pala dun… Teka, nag-aral ka na sa I/O?”
Kaibigang Ben: “Ha?”
Rob: “Anong Ha??! May exam kaya tayo mamaya…”
Kaibigang Ben: “Sa Wednesday pa kaya!”
Rob: “Ha?!”

Mr. Chips
We ate a pack of Mr. Chips kaninang around 3:00 pm, katatapos lang ng klase namin sa Architecture at nag meemeeting kami sa Café Urbe para sa isang event ng mga computer engineers.

Ang tagal ko nang hindi nakakatikim ng Mr. Chips at na miss ko na ang lasa nito. Ang ligasgas ng bawat butil ng kanyang laman. Ang pagka dilaw ng kanyang chips at ang nakaka adik na aroma. Ang Mr. Chips ay karapat dapat bigyan ng isang parangal! Best in MSG content!

Nung naubos na ang Mr. Chips, gusto ko pang bumili kaso ayoko (Medyo magulo). Ayoko kasing mabaryahan ang pera ko… o kapag ang pinambayad ko naman doon ay yung small bills, mawawalan naman ako ng small bill na pambayad ko sa Bus. Pupunta kasi ako sa isang mall na kung tawagin ay SM Bacoor para bumili ng ink ng printer.

Si ano at ang kanyang lav layf
Kung nababasa mo ito, marahil iisipin mong ikaw ang aking tinutukoy. Pero sa totoo lang… Ikaw nga! Ahihihi…

Mahirap nga yang sitwasyon mo/nyo. Lalo na ngayo’t isa sa mga factor ang self growth.

Naalala ko tuloy yung sinabi samin nung Sociology prof naming… Na kapag nasa stage palang kayo ng boyfriend/girlfriend ay selfish pa kayo. Yung tipong “You and Me against the world.” Walang makakapigil, walang makakapaghiwalay.

Hindi ko naman sinasabing wala nang katuturan ang inyong pag-iibigan ang nais ko lamng iparating ay ang malawak na pag-iisip. Minsan kailanagang may maiwan/mawala para lamang may matutunan. Minsan kailanagang masaktan para lamang wag maging mapurol.

Hindi mo pa nasusukat ang kakayahan mo… Malay mo kayanin mo… Malay mo hindi nya kayanin at bumalik din agad! Time will tell.

And speaking of time… its time for me to sleep na! Naku naman! May report pa ako bukas, exam at ang nakakatamad na lab (Laboratory!!!).

posted by Admin, 7/11/2006 12:24:00 AM
posted by Doubting Thomas, 7/11/2006 12:24:00 AM | link | |