<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Kilitiin Mo Ang Kumikiliti Sa'kin

Saturday, July 08, 2006

Yung Please ko na post ay nagbunga ng maraming katanungan mula sa inyo, aking mga kaibigang Blogger. Pero ikanalulungkot ko pero hindi ko maaring i-reveal kung sino sya. Since OK na naman kami, at hindi na ako naiinis sa kanya. Marahil dahil nailabas ko na ang aking nararamdaman at dahil nag sorry na sya sakin dati pa man.

Mga Rebelasyon
Narealize ko na ibang lebel nap ala ang aking pag-bloblog. Bakit kamo? Dahil, hindi na sa blog nagtatapos ang mga comments, pagbabasa at mga palitan ng kuro-kuro. Umaabot narin ‘to sa mundo ng instant messanging.

At habang kausap ko kayo, ay naglagay ako ng mental note para i-reveal ang mga sikretong sinabi nyo sa’kin. Pero syempre sa puntong ito, ako ay nagbibiro lamang.

Sa totoo lang, may mga sinabihan din ako ng “kapiraso” kong buhay. Nandyan na si Rens at Ron kung saan anything under the sun ang topic ng aming usapan. Minsan seryoso, pero kalimitan kalokohan at kulitan.

Maraming bagay narin akong naikwento kung kani-kanino, mga tungkol sa school, sa pagiging presidente ko ng engineering org., sa mga pag-eemote ko, pero hindi ako nagkwenkwento ng love life dito. Siguro pahapyaw lang. Gusto ko kasi isang malaking misteryo ang aking love life, para saan pa ang About Me: My identity is immaterial kung parang isang open book ang buhay ko?

Pero ano ba ang mga rebelasyon na natutunan ko? May mga rebelasyon tungkol sa kanilang pamilya. Meron ding tungkol sa mga namumuong pag-ibig. May mga rebelasyon ding pasaway tulad ng pa amin na sila ay malibog na nilalang. May mga rebelasyon din na patungkol sa iba pang Blogger. At ang hit na hit ngayon ay ang rebelasyon tungkol sa mga sexual preferences.

Ibang lebel na talaga ang pag-bloblog ko. At natutuwa naman ako dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan kahit na sa internet lamang.

Mga Rikwes
Kung bawat rikwes sakin ay may bayad na bente pesos, siguro makakapag-apply ako ng broadband internet. Iba iba ang rikwes nila. Nanjan ang mga rikwes para sa autograph signing, mall shows, at mga simpleng pa-picture. Haaayyy… ang hirap ng maraming fans.

Pero hindi lang naman yun ang mga rikwes, may mga nagpa plug din. Iboto ko daw sila sa isang pakulo na matatagpuan………… dito. Nominado din ako, pero pinatanggal ko ang aking pangalan sa listahan… Matapos ang isang linggo, napagtanto ko na hindi kop ala gusto sumali doon.

Kaya eto… Sina Aaron, Rens at Ron nalang ang iboto nyo. (Aaron, yung banner ko ha!)

Mga Pahabol
Kung may mga sikreto na sa tingin mo ay nadampian ng post na ito. Wag po kayong mag atubili na mag palada ng load este ng mensahe sa pamamagitan ng pag-ngiti. Pero ipinapangako ko at itinataga sa sa ulo ng katabi mo… Ang sikreto mo ay mananatiling sikreto. (Maliban nalang kung ipagsasabi mo… hehehe). Tulad nga ng isang kanta… “Your secrets are safe with me…”

At sa mga nabulungan ko ng kapirasong kalansay, sana’y manatili ito sa inyong mga tukador o kung medyo susyal kayo, sa inyong mga Orocan Closets with Gold Platted Locks (hehe). Maraming Salamat Po! Mabuhay Po kayo!

posted by Admin, 7/08/2006 06:56:00 PM
posted by Doubting Thomas, 7/08/2006 06:56:00 PM | link | |