All Work And No Play Makes John A Dull Boy
Friday, August 04, 2006
Am not feeling well -- that is physically and mentally.
Why?
Physically
May sakit ako ngayon. Ubo’t Sipon. Isama mo pa dyan ang isa pa nilang ka-tropa na si Lagnat. Nagsimula silang makipaglaro sakin noong Martes ng umaga. Pag-gising ko palang naramdaman ko na, na hinihimas ako ng sakit. Masakit na yung lalamunan ko.
Pagdating ng hapon. Mas nararamdaman ko na ang “kati” sa aking lalamunan. Animo’y may mga anay na unti-unting nguma-ngatngat sa laman ng aking leeg. Nagsimula narin akong umubo.
Ang dami ko ring inaasikaso sa aking mahal na organisasyon. Sa mga hindi nakakalaam, ako po ang presidente ng mga estudyanteng inhinyero sa aking paaralan. Oo, nahihirapan ako sa totoo lang. Ang dami kong nilalakad, ang dami kong kinakausap, ang dami kong ginagawa. Pero sa lahat ng hirap na nararanasan ko ngayon, ay hindi ko pa nakikita ang anino ng pagsuko. Marahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nila ako binoto sa posisyon na ‘to. Hindi man ako matalino, hindi man ako ma-PR… meron naman akong dedikasyon sa aking trabaho at higit sa lahat hindi ako sumusuko. Sana lang kayanin ko pa ang mas marami pang hamon sa aking buhay – bilang isang estudyante, lider, kapatid at anak. At sana gumaling na ‘ko.
Mentally
Ang dami kong iniisip. Isama mo na jan ang mga bagsak ko ngayon prelim -- Cisco, Robotics Lec and Lab, I/O, at S.A.D. Kaya ayan… sad din ako. Masyado ko kasi yatang kinarir ang org. Kaya hindi ko na divide ang aking oras na tama. Hindi ko kasi matanggal sa aking isip yung mga problema sa org., yung mga dapat tapusin. Hindi ko kasi mapagpabukas ang ibang mga gawain. At meron din akong tendency na akuin lahat ng trabaho.
Iniisip ko yung pondo. Iniisip ko yung mga seminars. Iniisip ko yung mga bagay na kailagang maipanalo namin. Iniisip ko yung mga councils ko. Iniisip ko yung mga projects naming. Iniisip ko yung mga bagsak ko. Iniisip ko yung mga bagay na hindi ko naman dapat isipin pero iniisip ko parin kaso naisip ko na hindi ko naman dapat isipin kaya hindi ko na inisip. At paano ko naman naisip to kung hindi ko naisip yun? Kaya technically nagisip talaga ako. Hehe. Iniisip ko pa yan.
Nais ko sanang batiin ang mga sumusunod na bloggers: Andy, Brew, DJ, Jed, Angelo at Jami. Naway magkaron kayo ng isang malusog na pangangatawan at malayo sa sakit!