<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Lintik Lang Ang Walang Ganti

Sunday, August 27, 2006

Hello po! Ang saya saya ko! Napalitan narin sa wakas ang pabalat ng aking talasulatan!

Ang pabalat na ito ay tinawag kong Earth Edition.

  1. Green Fields
  2. Emo
  3. Lonely Guy
  4. Bleeding Sun
  5. Blood (modified bleeding sun)
  6. Summer edition (modified bleeding sun)
  7. Original Lonely
  8. Icy Blue (modified lonely)
  9. citrus drop
  10. Tear
  11. Earth

Wow! ang dami ko na palang pabalat na nagamit. At wow! Mali pala yung nakalagay sa itaas na ika-siyam tong template na ito.

Kwentuhan ko kayo...

Noong isang araw, naglalakad ako at ang aking "kaibigan" sa may Roxas Blvd. OO, dinayo ko pa siya sa Maynila upang dinggin lamang ang kanyang mga "huhuhuhu" at "hehehehe."

Alas-otso ng gabi nang dumating ako sa ilalim ng ika pitong puno, sa kanan ng Aristocrat. Nandun sya... Nakakulay Violet na buhok, lipstick, makeup, "dress", sapatos at cellphone. Lahat violet... kulang na lamang ay maglabas ako ng kutsara at kainin sya dahil napagkamalan kong "ube."

Mayaman ang babaeng ito...

Niyaya nya ako umupo muna saglit sa kalapit na bench at kinamusta ang aking biyahe. Habang ako'y nagkwekwento, nahalata ko na halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa isang Grimace look-alike?!

Maya-maya pa ay niyaya niya ako kumain. Sumakay kami sa kanyang 2006 model ng RAV4 at tumulak sa pinakamalapit na fishball-an. Mayaman talaga sya dahil binili nya ang buong fishball stand at pati narin si Manong ay binili nya!

Matapos ng kanilang deal, ay umalis na si manong... kaya ayun. Kami pa ang nagluto ng fishballs namin...

Tinanong ko sya... "Friendshipness, what seems to be the problem?"

"Rob!," nagingiling ang luha niya sa kanyang mga mata. "Iniwan ako ni Joe!"

Si Joe ay isang Amerikano na tubong Teksas, USA. Napadpad si Joe sa Pilipinas dahil sa kanyang internet porn business na kamakailan lang ay ni-raid ng Quezon City Police.

"Ha?!," gulat kong sagot. "Bakit? Anong nangyari???"

"Hindi nya na daw ako mahal... simula noong nakilala nya daw ako nalugi daw ang kanyang internet porn business! yung mga underage nyang modelo na nirecruit ko mula sa Bacolod ay nakatakas at nagsumbong sa pulis. Buti na lang ay hindi nahuli si Joe! An tatanga kasi ng mga pulis! Hindi nila hinanap dun sa likod ng TV... eh dun sya nagtatago. Nakuryente pa nga sya."

"Ah ganon ba...," sagot ko, na wariy wala akong na-absorb. "Mayaman ka na naman... Nanjan parin naman yung pyramiding scam business mo. At kahit papano ay nakakalimutan na ng mga tao yung MGM scam mo... at heto pa, wala ka pa sa most wanted list ng Pilipinas! Friendship, look at the brighterside!"

Dahil sa paguusap namin ay hindi namin napansin na nasusunog na ang fishball na niluluto namin. Pati narin ang kwek-kwek at ang "best buy" na squidballs. Nawalan kami ng gana at iniwan na lamang ang fishball stand pero dinala ng aking friendship ang gasul na ginagamit... dahil naaalala nya raw ang kanyang kaibigan dito.

"Naaalala mo ang kaibigan mo kapag nakakakita ka ng gasul?" tanong ko.

"Oo," sagot niya. "Matangkad lang kasi siya ng konti sa gasul tsaka mahilig naman sya sa blue na make-up."

Matapos nito ay sumakay na ulit kami sa kanyang sasakyan na 2006 model ng RAV4.

{itutuloy}


posted by Admin, 8/27/2006 02:08:00 PM
posted by Doubting Thomas, 8/27/2006 02:08:00 PM | link | |