<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Two Things I Almost Lost

Thursday, August 10, 2006

Faith
Isa sa mga bagay na pinanghahawakan ko, at ang tanging nagbibigay ng lakas ng loob sa aking sarili kapag naiisip ko ang mga responsibilidad ko bilang isang lider ay ang pananalig o “faith.” At ang faith na ito ay muling nadarang sa apoy noong Martes.

Noong mga panahong hindi ako pinagkakatiwalaan ng aking “org. adviser,” isama mo narin dyan ang ilang faculty members. Ibahin nila ako. Malaki ang tiwala ko sa aking “team” at para sa’kin isa ito sa aking “edge.”

Inaamin ko na ikinainis ko ang mala “pagwawalkout” na ginawa ng aking tagapayo, naiintindihan ko yon, maari kasing naisip nya na binabalewala ko ang kanyang opinion. Pero bilang presidente, ako ang tatanggap lahat ng sisi kung sakaling hindi maganda ang kalabasan ng isang proyekto. Ang gusto ko lang sana mangyari ay maging bukas kami sa isa’t-isa… dahil siya bilang isang inhinyero ay kinakailangang magpakita ng isang natatanging ugali para hangaan at ako bilang isang estudyante ay kinakailangang magpakita ng mga bagay na kahahangan din.

Sa puntong ito, nais kong pasalamatan ang aking mga kaibigan. Silang mga nagtiwala sa aking mga pasya. Silang mga nagtiwala sa aking pamamalakad.

Isang personal na mensahe para kay April, Leslie at Rejie ang tatlong babaeng nakinig sa “4th Paragraph” hindi nyo lang pinalakas ang loob ko… pinarealize nyo rin sakin na importante ako.

Momentum
Noong nagsimula ang akadmik year na ito, sobrang excited ako simulan lahat ng mga proyektong naka “line-up.” Pero dahil sa nagiba ang pamamalakad ng departamento, nawalan ako ng gana.  Hindi ko naman sinasabi na hindi ko gusto ang pamamalakad ng tumatayong punong-abala… Ang nais ko lamang iparating ay ang labis na pormalidad ng mga bagay. Na halos nagkakaroon na ng “gap” ang mga opiyal mismo at an gaming mga miyembro.

----

Nais kong batiin ang mga sumusunod kong kaibigan dito sa blogging world. Isa kayo sa dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa pagsusulat ng mga bagay na hindi kanais-nais… hehehe.

  • Unang una kay Rens, sa kanyang pakikinig at sa hindi mabilang na “eto” at “grrrr.”

  • Kay Jhed, sa pagpapa saya sakin kapag kausap ko siya kahit na madalas ako sabihan ng “sasampalin kita!” Hehe!

  • Kay Ron, sa pagtitiwala. Kahit na lagi ka naming pinagtritripan ni Rens… at lagi din natin pinagtritripan si Rens… at wag nyo ako balakin pag tripan ni rens! Lolz!

  • Sa mga patuloy na sumusuporta sa aking “blog,” at hindi nagsasawang mag commento sa aking mga pananaw. Pari narin ang mga lagi kong kausap sa YM at nakikipag kulitan.

Masakit parin ang ulo… Putang-inang hang-over yan. First time ko lang naka-experience ng hang-over… ang sakit ng ulo ko!

posted by Admin, 8/10/2006 09:49:00 PM
posted by Doubting Thomas, 8/10/2006 09:49:00 PM | link | |