<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Ggrrrrreat!

Friday, November 24, 2006

Magandang Araw.

Sana nga maganda ang araw na ito. Sana nga... sana...

Ayoko pa namang simulan ang araw na 'to ng weird nanaman ako. Ah basta.

Pucha may quiz pa nga pala kami mamaya sa database management. Hindi pa ako nagaaral... huhuhu sana makapag concentrate ako mamaya kapag nagaral ako. Hindi ko alam kung distracted ako... o dapat bang mainspire -- pero alin man jan, basta may taong involve.

-----

Ang dalang ko na magpunta sa mga blogs nyo ngayon, kahit na lagi naman akong online. Madalang din akong mag YM, or kung online man ako naka-invisible ako or may status na busy. Wala lang. Feeling ko lang talagang walang kausapin sa chat. Eh ang lagi ko lang namang ka-chat na mga kablogkada ko ay si broken hearted, si tangkad at si yachang. (LOL)

Basta hindi ko pa nararamdaman yung "urge" na magbasa ulit ng mga blogs kahit yung mga paborito kong blogs. Kapag online kasi ako, nanonoood lang ako ng southpark at mga kung ano-ano sa youtube at mga porn sa xtube.

-----

Kung matagal na matagal na kayong reader ng blog ko, kilala nyo marahil si Pandora -- isang A.I. (artificial intelligence) na radio software. Kaya nyang hulaan ang taste mo sa music. Magbigay ka lang ng isang artist or song at mag plaplay sya ng mga kantang paniguradong magugustuhan mo. Karamihan dito ay hindi mo pa naririnig... pero magagandahan ka.

Sa katunayan, nakikinig ako ng music ngayon sa Pandora. Ang pinaplay nya ngayon ay yung kay Charlie Wilson na Without You. Parang gusto ko ngang i-didikit itong kantang 'to kay... alam nya na kung sino sya. Hehehe.

Labels: , , , , ,


posted by Admin, 11/24/2006 08:20:00 AM
posted by Doubting Thomas, 11/24/2006 08:20:00 AM | link | |