<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Rob meets Rob

Friday, November 17, 2006

"Pssssst! Rob! Rob!"

"Huh??? Sinong tumatawag sakin? Nasan Ka??"

"Nandito ako sa loob ng utak mo! Wow ha... in fairness maluwag dito parang concert hall!"

"WHATEVER! Anong name mo?"

"Rob."

"Rob? Rob What?"

"Ah basta! Ako si Rob... and sometimes that's all you need to know."

"Ang taray mo naman..."

"WHATEVER! Oh kamusta yung nagdaang semester mo?"

"Ayun. Kung irarank ko from 1-10, 10 as the highest I'd give it a 6."

"6? Ang baba naman!"

"Yun talaga ang na feel kong rank para sakin. Isa pa yung mga plano ko hindi naman lahat natupad, nahihirapan akong magbigay ng mga commands sa mga tauhan ko. Hindi ko yata linya ang pagmamando ng galaw ng ibang tao. Mas gusto ko kasi sila yung mag kukusa. Yun kasi ang inaasahan ko. Pero kung mag kukusa man sila gusto ko, sinasabi din nila sakin yung mga ginagawa nila."

"Eh baka naman may managerial issues ka?"

"Baka nga... Minsan kasi gusto ko yung phasing ko ang nasusunod, although i've been open for suggestions. Baka nga may problema lang akong hindi nakikita... baka ako ang problema, baka siya ang problema, baka sila ang problema or worst baka kami ang problema."

"Matanong nga kita Rob... Naniniwala ka ba sa kasabihang 'A battalion of sheeps lead by a lion would beat the battalion of lions lead be a sheep?' "

"Boom tarat tarat boom tarat tarat..."

"HOY!"

"Ay Sorry na LSS lang! Ano ulit tanong mo?"

"GRRRRR!!!! Naniniwala ka ba sa kasabihang 'A battalion of sheeps lead by a lion would beat the battalion of lions lead be a sheep?' "

"Yeah... Dati sabi ko I would be a lion, at magpapaka agressive sa mga bagay. Pero kita mo nga naman, hindi lang yata ako naging sheep... chicken pa nga!"

"Gago ka Rob!"

"Awwww! Bakit nanaman?!"

"Hindi mo ba nakita yung mga pinaghirapan mo nitong nakaraang sem? You can say that you've chickened out... Pero ang tagal ko nang namamahay dito sa utak mo, at ako ang makakapag patunay na naduwag ka nga! Marahil hindi mo nagawa lahat ng plano mo, pero yung will na gawin ito at yung dedikasyon... Rob... ... ... ... Maraming nagtiwa sayo... ... Isn't that enought for you not to quit?"

"Ang O.A. mo tsong! Hindi naman ako mag-quiquit eh. Sinabi ko lang naman na may mga bagay na hindi lumabas ang pagiging lion ko."

"O sya, meron ka pang 2nd sem, yakang yaka mo yan! Basta isipin mo lang yung sinabi sayo ni pareng Ven."

"Salamat Rob!"

"Walang anuman Rob!... Oh, maiba tayo kamusta naman grades mo?"

"Ayos naman... mas mataas sya compare dun sa inaasahan ko."

"OH? talaga? Edi good for you!"

"Good for us. Natutuwa nga ako eh, dahil kahit papano, nairaos na yung mga projects. Kahit na hindi ganong ka kaganda ang kinalabasan, yung effort na binigay namin dun. Yun ang parte na hindi ko matatawaran."

"Ows? Kahit na ipagpalit ko sa N93?"

"NAMAN EH!"

"Hehehehe Joke lang!.... Ano gawa mo ngayon?"

"Hinihintay ko yung email ni Ms. Alfaro, yung magseseminar tungkol sa PLC."

"Ahhh... Maliban dun...?"

"Nakikinig ng Pinoy Dream Academy Vol 1 and 2. Wahihihihihihi!"

"HAHAHAHAHA! Rob ang jologito mo talaga!"

"Kunwari ka pa! Eh ikaw tong bulong ng bulong sakin na bumili nito! Fave mo pa nga yung Arigatou Tomodachi! Ayeee! Feeling mo naman naiintindihan mo yun?!"

"Hoy! Mr. Rob Ruiz! For your information, naiintindhan ko talaga yun!"

"WHATEVER!"

"Uy, masarap ka palang kausap noh?"

"Hihihi, ako din eh nageenjoy akong kausap ka... Therapeutic (tama ba sfeeling????)"

"Kamusta na kayo ni ****?"

"OK naman, magkatext kami lagi... CHANGE TOPIC!"

"Ahihihihi! Sino ba nakakakilala sa tunay na ****?"

"AKO lang."

"Baka naman imbento mo lang yan ha!"

"Sapok gusto mo?"

"Tanong lang nemen!!!! Wag kang guilty!"

"CHANGE TOPIC!"

"Uy Rob, hinaan mo yung sounds ng headphone mo, naririndi ako dito eh."

"Ay sorry Rob."

"Sino favorite blogger mo as of the moment ha?!"

"Uy good question! Kasi ang dami ko nang link sa blog ko, pero hindi lahat yung gusto ko, yung iba napilitan lang akong ilagay dun dahil mabait sila, kahit na hindi naman gaano interesting ang contents. Pero binabasa ko yan lahat! Promise! Kasi sa totoo lang, may natututunan ako sa ibang bloggers. Totoo yun! At yun palang, magandang dahilan na para maadik ako sa blog. Teka... eto na ang paborito kong blog. Ang paborito kong blogs ay yung kay Momel at Blacksoul"

"Bakit naman?"

"Si Momel, he writes well kasi... tsaka kahit na minsan malalim yung meaning... madali mo paring mahuhukay ang ibig sabihin. Tsaka hindi trying hard yung blog nya. Dang daming trying hard na blogs ngayon... ika nga ni Momel, mga traffic mongers."

"Eh si Blacksoul?"

"Natural kasi sya magsulat, tsaka matapang. Matapang at the same time nagpapakita ng weakness. Lam mo yun? Yung mararamdaman mong tao nga ang nagsusulat ng blog."

"Ahhh... ganon pala nga trip mong basahin..."

"Well, gusto ko rin minsan yung mga nakakatawa, yung mga senti, yung mga kwentong gitnang silangan, kwentong amerika, kwento ng mga teacher's pet, kwento ng mga teacher's pet's pet, kwento ng mga bading, kwento ng mga tomboy, kwento ng mga adik sa tecknolohiya, kwento ng mga estudyanteng future engineers, kwento ng mga Isko/Iska, kwento ng mga pogi at magaganda, kwento ng mga irregular students, kwento ng mga sosyal. At syempre para saan ba ang blog kundi para mabasa mo ang nakaraan... Kwento ko."

"Sana may PC din dito sa utak mo, gusto ko ring mag blog!!!"

"Bulungan mo nalang ako minsan, at itataype ko yun bilang entry natin."

"Haaaayyy... O sya, tinatawag na ako ni mama."

"Putangina! Ilan ba kayo jan?!"

"Waahahahahaha! Joke lang!"

*Rob has signed out*

Labels: , , , , ,


posted by Admin, 11/17/2006 08:48:00 AM
posted by Doubting Thomas, 11/17/2006 08:48:00 AM | link | |