<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Sukatin Mo Akoh

Tuesday, October 31, 2006

Bilang isang engineering student nasanay ako na halos lahat ng bagay ay denumero. Kailangan lahat sakto. On-the-dot. Pero hindi ibig sabihin lahat ay sinusukat ko. Wala naman akong dalang ruler lagi.

9.8m/s2

Kinse anyos. Natatandaan nyo pa ba ang kontrobersyal na billboard sa EDSA? Nakatikim ka nab a ng kinse anyos? Tumutukoy ito sa alak nila na labing-limang taon ang tinagal sa wine cellar.

Naginit ang tumbong ng mga peminista noon dahil dito inireklamo ang may-ari ng nasabing advertisement. Para matapos ang gulo ay nakisakay nalang ang kumpanyag nagpakana ng mala pedophile ad. Ginupit nila ang parting “kinse anyos”, dahil sayang naman nga naman ang malaking larawan ng alak kung lahat ito ay tatanggalin nila.

Pero tila lalong nag-init ang tumbong ng mga peminista, yung tipong sizzling plate na sila sa sobrang init. Bakit kamo? Dahil ito ang kinalabasan:

“Nakatikim ka na ba ng [butas]?”

Sana ay hindi nyo nahalatang inimbento ko lang yan.

Π = 3.1415926535897932384626433832795

Mga peminista. Sabi ng professor ko sa Theology, sila daw yung mga girl power na wala sa lugar. Naiintindihan ko naman ang mga peminista. Pressured lang sila sa mga malling, shop-till-you-drop, at daddies nila.

34-24-36. Yan daw ang sukat ng sexy. Medyo binawasan na nga nila yan dahil dati 36-24-36 pa yan. Siguro kumokonti na ang mga babaeng pinagpala o pwede ring kapag ganito ang vital statistics ay wala masyadong pumapasa sa pagiging sexy. Buti nalang si Keanna Reeves maliit lang talaga. Para ka lang may batang kambal na bitbit.

Bakit ba kasi kailangan sukatin ang mga babae sa mga bagay na hindi nila nakokontrol? Bakit kailangan sila husgahan kung 34-24-36 sila o hindi? Bakit hindi natin sila sukatin sa mga bagay na kaya nila kontrolin, tulad ng talino, level ng pagsisikap o sipag.

O pwede rin namang sa dami ng datung.

7 inches

Noong 1st year high school ako, natatandaan kong nagpalakihan kami ng mga kaklase kong lalaki.

Nagpalakihan kami…

Pero bago pa dumumi ang isip mo, ang ibig kong sabihin ay nag patangkaran kami. Thirteen palang ako noon at siguro nasa 5’3” palang ang height ko. Kumpara sa mga classmate kong matatangkad talaga. Pero hindi naman ako ang pinakamaliit noon.

Masarap kasi maging matangkad. Bukod sa madali kang makakapangopya kapag matangkad ka ay nasa dulo ka din ng pila. Isa ring flair ng pagiging matangkad ay ang pagiging bida mo sa basketball (syempre kailangan ay may skills ka din) at kung bida ka sa basketball syempre kadikit na nyan ang pagiging habulin mo sa chicks. Kaya nga babawi ang Ateneo next year sa UAAP!!!!!!!

Pero kung palakihan talaga ang gusto mo… isipin mo nalang ay may hawak kang “Haba-holiday footlong hotdog…”

Gawaing Bahay

I. Bilugan ang salitang angkop sa pangungusap.

  1. Si Rob ay isang (magaling, henyong) engineering student.
  2. Ang alak ay (mabuti, na-aayon) sa ating katawan, lalo na kung ito ay kinse anyos.
  3. Ang boobs ni Keanna Reeves ay (mala ulo ng sanggol, mala ulo ko) at naliliitan parin ako.
  4. Ang height ni Rob ngayon ay (5’8”, 5 feet 8 inches).
  5. Ang Champion sa UAAP next year ay (Ateneo, AdMU) at wala nang iba pa.

II. Gumawa ng isang essay tungkol sa mga bagay na masarap sukatin. I-highlight ang mga salitang masarap i-highlight.

Labels: , , ,


posted by Admin, 10/31/2006 11:30:00 AM
posted by Doubting Thomas, 10/31/2006 11:30:00 AM | link | |