<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Si Angel Locsin, ang Kandila at ang Multong Bakla

Saturday, October 28, 2006

Dito na yata sa Pilipinas ang may pinakamaraming klase ng multo. Nandyan ang tikbalang, tiyanak, white lady, black lady, manananggal, mga multong nagiging hayop, mga espiritong gala, at mga mambabarang. Hindi ko lang alam kung ang bawat isa dyan ay nag rerepresent ng social status ng bawat Pinoy.

happy

Masasabi kong nakakita na nga ako ng multo. Pero ito ay noong bata pa ako. Naglalaro kasi ako noon sa may bahay ng aking lola, doon sa may taas ng hagdan. At dahil sa kalikutan ko, ako ay nahulog. Ang nakakapagtaka ay hindi ako nasaktan, pero ang mas nakakapag taka ay ang babaeng naka puti doon sa taas ng hagdan.

Parang ang pagkakatanda ko noon ay medyo hawig kay Angel Locsin yung babaeng nakaputi. At naka manipis na nighties sya. Yung tipong kita yung panty. Bata pa ako noon kaya hindi ako natakot.

all

Dedbol.

Ang isang bagay na ikinamamangha ko sa mga pinoy tuwign sasapit ang Undas ay ang pagpunta sa mga namayapang minamahal sa puntod nito.

At hindi lang yan ang dahilan… yun ay para mag happy-happy din! At pagkaperahan.

Dedbol.

May mga tindahan sa museleo, yung ibang mga bata nangongolekta ng tunaw na kandila. Siguro isasahog nila yun sa ulam nila na tortang tao. O pwede ring panghimagas sa ma-kolesterol na inihaw na fetus. Kandila… wow! Yum yum!

Dedbol.

saints

Sa panahon ng Halloween, sinasabing lumalas ang maraming espirito. Mga ibat ibang multo. Multo sa balete drive, multo sa kisame, multo sa banyo ng mga babae, multo sa likod ng FX at multong bakla.

Tanong ko lang… Sino kaya ang nakaisip ng salitang “multong bakla?” Totoo nga kayang may multong bakla? Ang multong bakla ba ay chumu***** parin? O lalaking lalaki na sya? O baka naman pinagbigyan na sya ni satanas na maging full pledge gurlaloo, kapalit ang kanyang kaluluwa?

Balik tayo sa topic. Ano nga ba meron tuwing Halloween? Marahil nanggaling ang salitang Halloween sa Allhallows o kaya naman ay sa Hallowmas. Itinakda ito sa araw kung saan ang mag katoliko at mga pagano ay maaring magdiwang ng sabay. Ang Nobyember 1. Ang araw kasi na ito ay pagdiriwang din ng mga pagano sa hilaga ng apat na bansa noong 7th century. At dahil nga nais ng mga batikano na mapagisa ang mga pagano at katoliko naging batas ng simbahan na pumili ng araw na may okasyon din sa mga pagano.

Hmmm.. naamoy ko ang teyorya ni Dan Brown.

Halloween. Gusto ko ng halo-halo.

day

Nakakita ka naba ng multo? May nakaharap ka na bang multo? Noong nagkaharap kayo, sino ang natakot ikaw ba o siya? Totoo nga kayang may mga multong ligaw? Wala bang DSWD ghost edition para naman maihatid na sila sa kanilang mga nanay at tatay...?

Labels: , ,


posted by Admin, 10/28/2006 08:44:00 PM
posted by Doubting Thomas, 10/28/2006 08:44:00 PM | link | |