Reasoning 101
Tuesday, June 20, 2006
Lahat ng bagay ay may dahilan.
Dahil ang mga dahilan na 'to ay ang dahilan kung bakit natin pinagpapatuloy gawin ang isang bagay na para sa atin ay may dahilan.
Tulad na lamang ng dahilan ko kung bakit ko iniba ang layout ng blog ko. Nagsasawa na kasi ako sa kulay, estilo at salansalan ng mga tables kaya naisip ko na chair naman... Corny. --- Seryoso na... Feeling ko kasi nagsasawa na ang mga tao dito. Kahit na alam ko na people tends to opppose change ipinagpatuloy ko parin gawin. Tulad nung nabasa ko... kapag pinag halo mo raw ang dedikasyon at hilig ang kinalalabasan ay isang masterpiece. Pero hindi ko sinasabing masterpiece ang template ko... very masterpiece lang! Ahihihi... Wag kayong mayayabangan ha...
Tulad na lamang ng dahilan ko kung bakit madalang ako magonline ngayon. Topak kasi tong telefono namin... Buti nalang kaninang umaga may matabang mamang dumating samin na nakasakay sa isang dilaw na sasakyan na may nakalagay na PLDT. Ginawa nya yung sira sa may poste at pinalitan din ang telepono namin patin narin yung box -- kung ano man ang tawag dun.
Maliban pa diyan ay busy ako sa pag asikaso at pagiisip at pagaaral. (Lagnat mode). Inaasikaso kasi namin yung proposal para sa SOFENG o software engineering... marami na kaming mga balak... tulad ng game na parang Pimp My Ride at Deal or No Deal. Pero syempre ang target namin ay best in sofeng kaya application ang balak namin gawin. Inaasikaso narin namin yung DESPRO proposal... GRRR!!! Medyo nababaliw kami dito kasi wala kaming maisip na matino at the same time ay mura lang. At syempre nandyan pa rin ang ROBOTICS... parang naubusan na kami ng mga robots na gagawin kasi, meron na halos lahat ng maisip namin. Meron ang robot na vaccuum... robot na forklift, robot na security guard... robot na titser... robot na estudyante... *ahihihi*
Yan lang muna ang maikukuwento ko... Dahil atat na atat na 'kong pasalamatan ang nagiisang nagmamay-ari ng Philippine Blog Carnival -- Walang iba kundi si Jhay!
At ano naman ang DAHILAN kung bakit ko sya gusto pasalamatan???
Aba naman! I-Feature ba naman ang mga articles ko at gumawa ng nag iisang Mini-Edition ng Philippine Blog Carnival! Sino ba naman ang hindi magpapasalamat sa mga ganitong mabubuting loob na blogger na sa katauhan lang ni Jhay matatagpuan??? (Jhay, may dugo ka pa ba o konting sip-sip pa? lolness)
Kaya Jhay... Salamat po!
Si Jhay ay nandito.
Ang Mini-edition ay nakabandera dito.