<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

108

Sunday, June 11, 2006

Ngayong ika-12 ng Hunyo ay idadaos ang ika-108 taong kalayaan ng Pilipinas mula sa mga kastila. Matatandaan na 333 taon tayong binihag ng mga kastila sa kanilang pamumuno. Nawalan tayo ng karapatan sa sarili nating bayan -- pati narin tunay na imahe ng sarili.

Maganda ang plano ng mga Kastila. Inilabas nila ang krus at ipinakitang sila ay walang hangaring masama kundi ang palawigin ang kristiyanismo, kung saan maluwag namang tinanggap ng mga Pilipino. Nang kalaunan, naging matatag ang "pakikipagkaibigan" ng dalawang panig... Unti-unti ang krus ay ay binaligtad -- pinatalas at handang pumatay ang kakalaban sa kanya.

Ngayong modernong panahon wala nang mga espada, mga payoneta, o kanyon. Pero meron namang kolonyalismong pag-iisip o mental colonialism. Tayo na mismo ang sarili nating kaaway! Hindi mo man nararamdaman, pero ito ang katotohanan.

Wala nang mga mananakop, pero mayroon paring kumikimkim ng mga lupa, meron paring tinatanggal sa trabaho, o mas masama pa -- meron paring walang trabaho. Mapa jueteng, corruption, katiwalian, at iba pang uri ng modernong panunupil, meron nyan ang Pilipinas. Napanood mo ba ang balita kagabi tungkol sa isang pinatay? Sa loob ng isang linggo, 1-2 araw lamang walang balitang patayan... Sa loob ng isang linggo 1-2 araw lamang walang balitang away pulitiko... Sa loob ng isang linggo 1-2 araw lamang walang balitang hindi maganda (Minsan pa'y wala).

Sa pulitika, hindi mawawala yung, pagpapatalsik sa pwesto ng isang lider. Hindi ako pro-GMA, pro-Government ako. Pero hindi ko talaga lubos maisip, kung ano ang mayroon si Mr. Poe, at gitil na gitil ang mga tao at gusto sya. Impeachment... nandaya... Ethics... bakit parang bigla silang naging marangal na tao? Hindi pasisiil sa dayaan... Naniniwala ako sa isang linya dati sa Boston Public na imbes na magreklamo ka, ay tumulong ka. Simple lang diba? Katulad na lamang ng tamang pagtatapon ng basura sa tamang lugar. Katulad na lamang ng pagtitipid sa kuryente. Katulad na lamang ng pagaaral ng mabuti!

Kung iisipin ang daming problema talaga ng Pilipinas, kahit ako hindi ko maisip kung saan sisimulan. Sa edukasyon ba -- pano naman yung kalusugan? Sa pampalakasan ba -- pano naman yung turismo? Sa kalsada't inprastraktura ba -- pano naman yung sa kalamidad? Eh kung sa depensa nalang kaya -- ay wag na... hihingi nalang tayo ng tulong sa America. NASYONALISMO! Ito nalang ang tanging pag-asa natin... kung may pagmamahal tayo sa ating bayan, mag-aanak ka ba ng marami, at sa bandang huli ay hindi mo sila mapapakain, hindi mapapagaral, hindi madadamitan, hindi mapapalaki ng maayos? Kung may pagmamahal tayo sa ating bayan, sigurado akong mapuputol ang mga putang-inang sungay ng mga putang-inang mga putang-inang pulitiko na putang inang mga yan! Kung may pagmamahal tayo sa ating bayan, gagamitin natin ang ating wika, higit sa wikang ingles. Kung mahal mo ang Pilipinas, tutulong ka! kahit sa anong paraan... Lahat tayo may magagawa! Baka tinatamad ka lang...

Ang Pilipinas nga naman... ang galing! Ika nga ng isang banyagang manunulat...

"The Philippines: a plural and singular country"

The Philippines... pero pag dating sa mga dagat... Philippine Sea (nasan na yung 's' sa huli?) Philippine Peso ( yung 's' sa huli nawawala?!) Philippine Coast Guard (yung 's' po?) at marami pang iba.

20 taon na 'kong nakatira sa Pilipina... I mean Pilipinas, pero kahit kailan hindi ko ginustong maging isang kano, o hapon, o australyano, o german, o south african.

May iba kasi sa Pilipinas na wala sa kanila...

Meron tayong Jeepney!

Malaya kang ipahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng comment! (hehe)


posted by Admin, 6/11/2006 10:13:00 AM
posted by Doubting Thomas, 6/11/2006 10:13:00 AM | link | |