There's Always a 1st Time
Tuesday, June 13, 2006
First day ng classes ko kanina, pero pano ako papasok sa mga classes ko kung kanina lang din ako nagenroll?
Ganito kasi yun, may project kami sa Advance Logic Design last sem, tapos hindi nagustuhan ng prof. namin yun casing nung module, kaya ang nangyari na incomplete kami. Ayos lang kasi supposed 10 days lang ay makukuha na namin yung classcard. Five groups kami dun, kami palang yung nakapag pasa kasi magaling kami. So yung mga classmate ko hindi pa sila nagpapasa, hinintay tuloy sila nung prof ko para daw sabay sabay na yung grades. Eh ngapunta sya sa Singapore kaya hindi nakapagpasa yung mga classmates ko. Kaya ayun. Kanina lang nila na present yung prototype at kanina lang din namin nakuha yung grade.
Pagdating na pagdating ko ay inasikaso ko agad yung report ko. Defense na nun bukas. somehow kinakabahan ako. Ma jujustify ko kaya yung mga pinagsasabi ko dun? Kinakabahan ako. Ang tindi naman kasi!
So, pagkatapos nun, umakyat ako sa aking opisina. Haaaaayyyy... ang isa sa mga benipisyo ng pagiging president ng engineering ay ang pagkakaroon ng sariling opisina, sariling lamesa, upuan, penholder, drawer, ilaw, papel, alikabok at kung ano ano pa! Isama narin natin jan ang kontrobesyal ng koleksyon ng libro ng FORCES (Federation of Organized Councils of Engineering Students). Sana kayanin ko! Kailangan kami ang maging best organization! At ako ang best officer! ahihihihi! Aba! narating ko na ang posisyong 'to... hindi malabong masungkit ko yun!
So back to my firstday... Ang first class ko ay 10:00 am -- Software Engineering. Dahil nga dun sa isang subject na hindi nain nakuha yung grade, wala pang nakapag enroll. Ahihihi... Ayun edi wala pa kaming klase. Nakipag kwentuhan lang samin yung prof namin dun sa may cafe... ahihihi... kinuwentuhan kami sa recent panganganak nya.
2nd subject ko ay SAD pero sana ay hindi ako ma-sad. Systems Analysis and design. Ito ang isa sa pinaka-mabigat ngayong sem na to kasi proposal na for the design project next sem ang topic. Tapos yun kahit hindi pa kami enrolled... nag introduction class na kami, nagbigay ng lecture at quiz sa Thursday. Then by 1:00 pm, lunch na.
Pagkatapos ng naming mag lunch, around 2:00 pm, ay nagenroll na kami. Medyo mabagal kaming magenroll, kasi paupo-upo pa kami at parang walang hinahabol na oras. So yun! Enrolled na ako! Am officially a freaking-5th-year! ahihihihi.
Sumakit nga ang binti ko kanina kasi alam nyo na... pipila... lakad lakad... ang mga opisina pa naman dun sa Baste, isa sa ganitong building, tapos yung susunod dun sa kabilang building. Tapos nakita ko yung friend ko na varsity at pinagusapan namin ang kayang walang kamatayang sakit sa ulo dahil sa kanyang syota. Naku. Kaya ayun niyaya ko nalang siya sa SM dahil may bibilin ako, so naglakad lakad kami dun at nag hanap ng mga eyecandy. ahihihi. Pero naka 3 points lang kami... ahihihi.
Ayan... yan ang pers dey ko. Ay porgat, may post is supos to be speld layk dis. Ah! Ay'l jas do dis meybi neks taym.
MMMUUUAAAHH!