<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Buhey Haaaaay Skul

Friday, September 15, 2006

Masarap alalahanin ang nakaraan… tulad na lamang ng haaaay-skul layf.

Pers Yir

Noong mga unang araw ng klase, syempre wala pa ako masyadong ka-kilala maliban na lamang doon sa mga datihan ko nang kamag-aral sa elementarya. Si Dyerowm ang kasama ko noon… medyo natagalan din kami bago nag karoon ng bagong kaibigan, siguro mga 20 minuto pagkatapos ng plag seremoni. Ang pangalan ng nyu prend namin ay Tsolo. Nakakatawa tong si Tsolo at mapag-trip… Matapos noon ay dumami na ang aking mga kaibigan tulad nina Roberto, pero mas kilala siya bilang Bong. Sina Rasel, Dyan Dyeyk, Antoni, Heysel, Cleo at marami pang iba.

Noong pers yir din ako naging aktib sa mga isteyds pley. Mga kung ano-anong rowl ang ginanapan ko noon. Na ayoko nang alalahanin pah.

At syempre dahil ang edad namin ay trese, ito narin ang panahon kung saan ang mga hormowns ay naliligalig – “Reydying Hormowns” kung aming tawagin. Mga ligawan mowments, gimiks, at kung ano-ano pang traying-hard tu bi an adolt aktibitis.

Sa panahon ding ito nagtapos ang pagkakaibigan namin ni Tsolo, dahil kay Nikki at dahil din sa kanya.

Change Topic.

Sekond Yir

Portin yir old na ‘ko bay dis taym. Muli akong nahilig ako sa Gowst Fayter. Nangolekta ako ng mga teks, pero yung mga reyr lang ang kinukulekta ko at inilagay ko pa ito sa isang protektib album. Hihi. Nakakatawang isipin.

Hindi lamang Gowst Fayter ang nakahiligan ko, pati narin Pokemon! Hihi! Tinangka ko ngang hanapin ang mga guhit ko ni Pikatsu, Balbasor, Dyiglipaf at iba pang karakter dito pero hindi ko na mahanap… Malamang ito ay nasigaan ko na dati pa. Hehe.

Sa mga pradeyks naman ang hindi ko makalilimutan ay ang aming myusik bidyo kung saan ako ang gumanap na “broken harted” na lalaki at naghahanap ng babaeng kakarelasyonin (kamusta naman ang term koh). Kiss Me ang bidyo namin noon. Ahehehe!

Nag lebel-ap din ang aking pagiging isteyds actor, dahil gumanap ako bilang meydyor karakter sa isang pagtatanghal kung saan ako si Tumago ang kontra bida sa buhay nina Malakas at Maganda. Sa tunay na buhay si Malakas ay kasalukuyang nasa Amerika at piloto sa AAF o ang Amerikan Er Fors, habang si Maganda naman ay nasa Seynt Luwi Unibersiti sa Baguio at pinilipilit tapusin ang kursong Kemikal Indyiniring.

Dito rin una akong nag ka pimpol sa noo. Paksiyet.

Terd Yir

Isa sa mga hindi ko malilimutan ang aking terd yir sa baste. ϋber saya talaga netoh! Dahil naging close kami ni Hero (hindi yung panget na artista ha), at nag-karon din kami ng sobrang COOL na tropa… Tinawag namin itong Thrashers®. Sikat ang grupo namin sa Baste… at kinatatakutan ng mga guro pati narin ng mga pari na nagpapalakad ditoh. Hehehe!

Isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang pag papakita ng Derrrteeh Fingas ng aming ka tropa na si Bing sa isang class picture. Bwahahaha! Dahil ditto, ay hindi tuloy na release yung “bloopers” bersyon ng mga larawan. Hehehe.

At dahil nga astig kami, ay hindi na kami pumasok sa klase matapos ng piktsuran at dumaretso sa kantin para kumain ng Lugaw™. Wahihi!

Na riyalays ko tuloy na mas masarap pala kumain ng Lugaw™ lalo na’t sasamahan mo ng kalokohan.

Mabuti na lamang at mabait ang aming adbayser… (Sa Ateneyo na yata siya nagtuturo ngayon).

Hindi ko rin makakalimutan ang mga pradyekts namin sa Adbertaysing kung saan gumawa kami ng isang komersial. At syempre ang dyaryo namin para sa Dyornalisim, kung saan ako ang editor-in-tsip.

Mas naging aktib pa ako dahil hindi lamang sa piling manonoood ako nakapag perporm noon, dahil noong pawndeysyon dey, kami ay nakapag-sayaw at nakapag perporm ng maigsing dula sa harap ng buong Sebastinian Community.

Noong terd yir ako, ay sumali din ako sa COCC o ang hmmmm…. Shet nakalimutan ko na mining nun. Hehehe. Isang taon din akong nag push-aps, nag dak-wok, nag-pumps (hihi), gumapang (hihi ulet) at kumanta ng “Baboy ng Annex taon-taon tumataba!” (hihi nanaman).

At dahil ako’y isang magaling na kadete…

Port Yir

Ako ay naging Kampani Eksekyutib Opiser ng Alpha Kampani. Malufet ako noon… wag mo akong titingnan ng masama habang treyning dahil mag hihintay sayo si satanas para sa iyong “hell day”. Hihihi! Jowk lang! Dyastifayd ang mga desisyon ko.

Bise-presidente ako ng klase. Pero wala naman akong natandaang ginawa ko namag papaunlad sa bayan. Hehe… pero na tandaan ko noon nung pinagtanggol ko ang aking mga mahal na kamag-aral sa mga maling pamamalakad ng aming principal.

Syempre mas naging “nakakatuwa” kami noon. Halos lahat ng tiser ay may bansag. Si Hoopskiri (dahil sa kanyang epilyido), Sharky (dahil sa kanyang matutulis na ngipin na animo’y stalactites sa caves), Pegasus (self explanatory), Bullshitting (yung titser namin na nakipag bullshitting – open forum), Palaka (obyus din to) at si Karot (dahil sa matulis nyang baba).

Kasali din ako sa pep squad. Sa field demo at sa iba’t iba pang mga kachukaran nong hayskul.

Hindi ko malilimutan ang aming retrit noon sa Angel’s Hills sa Tagaytay, dahil sa masasayang tagpo. Unang gabi, nilagyan ng syeybing krim ng aking kaklase ang ulo ng isa pa naming kaklase. Hehe. Binidyuhan ng isa naming klasmeyt ang isa pa naming klasmeyt habang naliligo ng hindi nya alam. Hehehe. Pinagalitan ako ng aking adbayser dahil nag takbuhan kami ni nung klasmeyt ko sa corridor ng retrit haws sa disoras ng gabi. Hehehe ulit.

Hanggang dito nalamang… ang pagkukuwento ko ng aking hayskul layf dahil natatamad na akong mag tayp. Pero sana wag kang tamarin mag koment. ϋ

PS: Meron paring tindang Lugaw™ sa kantin hanggang ngayon, ngunit hindi na ganong kaaktibo ang Thrashers® dahil medyo nagkaroon na ng mga sari-sariling buhey.

Labels: , ,


posted by Admin, 9/15/2006 08:58:00 PM
posted by Doubting Thomas, 9/15/2006 08:58:00 PM | link | |