<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d19328670\x26blogName\x3dRob+%26+The+Blogosphere\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://andwalkaway.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com/\x26vt\x3d6989461412476977988', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Ang Beer na 'to o ang Pag-ibig Mo

Wednesday, October 25, 2006

Iyakin ba ako?

Sa tingin ko naman hindi, medyo nadadala lang talaga ako minsan ng emosyon. Tama. Emosyonal ako... pero hindi iyakin.

Habang humihithit ako ng yosi at kasalukuyang nakatulala sa langit at dinadama ang alak na gumugulong sa aking bituka, may isang kamay na humawak sa aking balikat. kamay iyon ng isang kaibigan.

Nagulat ako dahil bigla nalang s'yang nag bigay sakin ng advices. Pero hindi basta bastang advices. Saktong sakto 'to sa tunay na nangyayari. Malalim yung mga sinabi niya, at pilit ko naman itong ibinaon sa aking isipan. Madalang kasi mangyari na binibigyan ako ng advice kaya, sa puntong ito... wala akong itatapon.

Tumagal din ang usapan namin, kasama yung isa ko pang kaibigan. Siguro dahil tatlo kaming lalaki dun ay naging open narin ako sa tunay na sitwasyon [Pasensya na po at hindi ko maaring banggitin dito kung ano man yun].

Nagulat nalang ako na unti unti nang nagiging mausok ang paligid. Mga mata ko pala yun. Oo na... may kahinaan din ako. Pero tulad ng kasabihan, "Boys don't cry but real mean does," kailangan ko rin ilabas ito.

Masama ba kung magpapakita ako ng kahinaan paminsan-minsan, lalo't sila mismo ay nakita na may problema ako kahit na pilit ko namang tinatago. Oo na. Mahina ako.

Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako marunong lumaban... na hindi ko kayang panindigan ang mga prinsipyo ko.

Sa totoo lang, may dalawang dahilan kung bakit ako umiyak noon. Una, sobrang hindi ko inaasahan na ganong kabait yung mga kaibigan ko - oo simple lang naman yung mga advices. Pero yung tiwala... hindi ko matatawaran yon. Pangalawa, naawa ako sa sarili ko. Dahil kung dati ay naitatanggi ko pa na maayos ang lahat - kumpirmado na dahil sila mismo ay nakita ang problema. Naawa ako sa sarili ko dahil alam kong kaya ko pero nawawalan ako ng gana.

Nakita ko nalang ang sarili ko na pilit kinukusot ang mga mata ng isang panyo.

Salamat pareng Forth at Butch.

Labels: , , ,


posted by Admin, 10/25/2006 07:58:00 PM
posted by Doubting Thomas, 10/25/2006 07:58:00 PM | link | |