<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/19328670?origin\x3dhttp://andwalkaway.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Rob & The Blogosphere

People | Tech | Health | Pop Culture

Techno Buff and Gym Fit

Thursday, October 26, 2006

Time Capsuleness and everythang!!!

Ang fascination ng sangkatauhan at ang matanong na pagiisip ang sinasabing father of the technology (Kung sino man ang ina, ay hindi ko na alam). Lahat gusto natin automated, lahat gusto natin may gagawang mekanismo para sa atin.

Kaya nga ba, naimbento ang robot na nag mula sa salitang robota na ang ibig sabihin ay compulsary labour. Unang ginamit ang salitang robot sa istorya na ginawa ni Karel Capek noong 1921 na R.U.R: Rossum's Universal Robot, ipinakita dito na ang mga robots ay mapamuksa at mananakit ng mga tao. At simula noon ay tumatak na sa isipan ng mga tao na ang robot ay masama.

At noong 1950, ay isinulat naman ni Isaac Asimov ang librong I, Robot (ngayon ay pelikula na) kung saan inilahad nya ang Laws of Robotics:

  1. A robot may not injure a human being, or, through inaction, allow a human being to come to harm.
  2. A robot must obey the orders given it by human beings except where such orders would conflict with the First Law.
  3. A robot must protect its own existence as long as such protection does not conflict with the First or Second Law.

Astig noh.

Pero, introduction palang yan.

Ang topic ko talaga ngayon ay time capsule. Well comehow related lang sila.

Natuwa kasi ang sa bagong pakulo ng Yahoo!... Ang Yahoo! Time Capsule na pinamumunuan ni Jonathan Harris. Isang taong kasing talino at galing ko.

Simple lang naman... sasagutin mo lang ang mga tanong na ito:

  • What do you love?
  • What makes you sad?
  • What makes you angry?
  • What do you believe in?
  • What’s beautiful?
  • What’s fun?
  • What do you remember?
  • What is your wish?
  • Describe your world.
  • Who are you?

Maaari mong sagutin ang mga katanungang iyan sa pamamagitan ng salita, bidyo, larawan, tunog o guhit.

Higit pa dyan ay makakatulong ka sa mga nangangailangan dahil mag dodonate ang Yahoo! ng $100,00 sa pitong organisasyon.

Ang time capsule ay magsasara sa Ika-8 ng Nobyembre at sa panahong iyon ang pananagutan ay mapupunta sa Smithsonian Folkways Recordings na base sa Washington DC.

Hindi pa huli ang lahat, maging parte ng kasaysayan.

Labels:


posted by Admin, 10/26/2006 10:01:00 PM
posted by Doubting Thomas, 10/26/2006 10:01:00 PM | link | |